Monday, February 14, 2011

CHAPTER IV

Sa backstage habang naghahanda ang lahat sa kanilang pag-ere inihahanda rin ni Sam ang kaniyang sarili para maging masaya ang aura niya at hindi mapansin ang sakit na dinadala nito. HAbang si Devon naman ay seryosong binabasa  ang lyrics ng kanta para sa kanilang DUET ni JAmes. 

And 5 - 4 - 3 - 2 - 1...
 SHOUTOUT!

Quen: HEllo mga teenmates. Isang tuesdeliscious afternoon sa ating lahat.

Sam: Tama ka jan Quen. Tuesdeliscious talaga hapon natin ngayon dahil sa mga production numbers na talaga namang sinisigurado namin na masasarapan kayong lahat sa panunuod.

Robi: And speaking of production numbers, Love is in the air tayo ngayon dahil pakikiligin tayo ng sweetest tuesdeliscious loveteam natin.

Aaron: TAMA. So guys huwag na nating patagalin pa, Teenmates give it up for...

HOSTS: JAmes and DEVON

 JAmes and Devon:
Di kita malimutan
Sa mga gabing nagdaan
Ikaw ang pangarap
Nais kong makamtam
Sa buhay ko ay
Ikaw ang kahulugan
Pag-Ibig ko'y
Walang kamatayan
Ako'y umaasang
Muli kang mahagkan


Chorus:


Ikaw pa rin ang hanap ng
Pusong ligaw
Ikaw ang patutunguhan at
Pupuntahan
Pag ibig mo ang hanap ng
Pusong ligaw
Mula noon, bukas at
Kailanman


Verse:2


Ikaw at ako; y
Sinulat sa mga bituin
At ang langit
Sa gabi ang sumasalamin
Mayroong lungkot at pananabik
Kung wala ka'y kulang ang mga
Bituin
Aasa ako, (aasa ako)
Babalik(babalik)
Ang ligaya,
Aking mithi(sa kin mata)
Hanggang sa muling(Hanggang)
Pagkikita(pagkikita)
Sasabihin mahal kita


Chorus:
Ikaw pa rin ang hanap ng
Pusong ligaw
Ikaw ang patutunguhan at
Pupuntahan
Pag ibig mo ang hanap ng
Pusong ligaw
Mula noon, bukas at
Kailanman


Mula noon, bukas at kailanman
Mula noon bukas at kailanman

Sigawan ang lahat lalo na ang mga JAevon fans na nasa Studio. Mapapatunayan talaga na isa si Sam sa pinakamagaling na aktor sa kanyang henerasyon dahil hindi mo aakalain na sa bawat ngiti at tawang ipinapakita niya sa harap ng kamera ay doble-dobleng sakit naman ang iniinda ng puso niya.

COMMERCIAL BREAK:

Nilapitan ni Devon si Sam habang naghahanda ito para sa dance prod nila nina Auriette at Elle.

Devon: Boss, kaya mo yan..GOODLUCK! (nagbigay ng isang thumbs up sign kay Sam saka bumaling kina Elle at Auriette) GF's GOODLUCK! hataw na..

Kahit papano naibsan ng konti ang sakit sa puso ni sam dahil sa sinabi ni Devon. KAya talaga namang inspirado siyang sumayaw. Tuwang-tuwa ang mga audience sa mga energetic moves ng binata. Proud na proud ang mga teenmates at sigawan naman ang lahat ng mga Samsters na nanuod ng show.

NATapos na ang show pero malalim pa rin ang iniisip ni Sam. Naiisip niya ang lakad ni sinabi ni RObi, pag hindi siya sumama baka magtampo naman ang grupo sa kanya. Pero pag iisipin niyang makakasama niya sina James and Devon sa isang lakad lalo siyang nagdadalawang isip. Alam niyang wala siyang karapatang magselos dahil kung tutuusin hindi niya GF si Devon at loveteam lang din naman sina James and Devon. Pero loveteam nga lang ba? NO ONE KNOWS. Kasi base sa mga nakikita niyang closeness ng dalawa hindi malayong may namamagitan na sa dalawa o kung hindi man ngayon baka sa susunod na mga araw.

Devon: Boss, (tawag ni devon kay sam dahil talagang mas superior naman ito when it comes to showbiz) hindi ka pwedeng hindi sumama sa amin later ha.

Ngunit parang walang narinig ang binata dahil hindi niya pinansin si Devon.

Devon: Calling Samuel Angelo Cruz..Are you with me?

Sam: Ah sorry Devz, Sige sama ako

Devon: Okay, makikisakay na ako sayo ha to make sure na pupunta ka talaga.

In his mind: "whaaaat?? did i hear it right? lord tell me im not dreaming..Dont wake up sam"

Devon: Boss, ano???

Sam: hindi nga panaginip. (bulong nito sa kanyang sarili)

Devon: Ha, are you saying something?

Sam: Ah sabi ko basta wag ka lang mainip ha (ha, sam ano bang sinabi mo? sigaw naman ng utak niya)

Devon: Why? Matatagalan ka pa ba? May meeting ka ba or any appointment pa ngayon?? Sige basta sunod ka ha. Kina Elle na lang ako sasabay.

Sam: NO! I mean, Wala..

Devon: HA? What do you mean? Wala kang meeting? Anong wala?

Sam: ( focus sam..focus) I mean, sabay na tayo. Hindi ba magagalit si James? (tanong ni sam habang inaayos ang sintas ng kanyang rubber shoes)

Devon: (tumawa) Si Jaime? Bakit naman daw magagalit yon? Actually sabay nga sana din kaming pupunta but his dad called kaya sunod na lang daw siya sa atin mamaya.

Sa isip ni Sam: So kaya pala sa akin siya sumasabay. Sana hindi na lang siya (James) dumating.



1 comment:

  1. Sam ha evil plans mo ayaw mong pasunudin si James ikaw ha! :))=))

    ReplyDelete