"Devon?" mahinang sabi ni Sam habang diretso ang tingin sa kalsada..
"HmMm?? Bakit?" -devon
"Whats the real score between you and James?" diretsong tanong niya sa dalaga.
"Anong ibig mong sabihin? Are you asking kung may relasyon kami ni James?"-Devon
"Meron ba?"- Sam
"Bakit ba ganyan tinatanong mo? Wala no, James and I are good friends. Hindi showbiz answer. Bakit mo ba kasi natanong?"-Devon
"Wala, pansin ko kasi you were very close sa isat-isa."
"Alam naman ng buong pilipinas na si James ang pinakaunang naging friend ko since pumasok ako sa mundo niyo. I mean sa lalaki kasi siyempre andiyan din naman sina Fretz."
"Okay, Pasensya ka na kung ano anong tinatanong ko. Thank you so much Devz for making me happy today."-Sam
"Are you sure na happy ka nga? Para namang hindi ka nag-enjoy eh. May problema ka ba? Kasi para kang balisa this past few days."
"Siyempre nag-enjoy ako. Im enjoying every minute na kasama ka."-Sam
"Naks, si boss napaka cheesy! Touch naman ako niyan." Natetense na si Devon sa sinasabi ni Sam pero pilit pa rin siyang nagpapaka cool.
"Im telling the truth Devon." seryoso pa ring sabi ni Sam.
Hindi naman manhid si Devon. May mga pagkakataon na iniaasar ni Elle si Sam sa kanya ngunit hindi niya ito pinapansin. Hindi niya binibigyan ng malisya ang pagiging malapit nila ni Sam sa isat-isa pero tama nga yata ang kaibigan niya.
"Alam mo bilisan mo na lang ng kaunti ang magmaneho, masyado kasi atang mabagal. Baka gabihin ka na masyado niyan." Pag-iiba ni Devon dahil hindi niya nagugustuhan ang pinatutunguhan ng kanilang usapan.
"Thank you, atleast alam ko na kahit konti may malasakit ka din sa akin. Im so happy to know that you care Devon."- Sam
"Ano ka ba, you are my friend. Kung ano anong iniisip mo ha."-Devon
Nagulat si Devon dahil biglang huminto si Sam sa gilid ng kalsada.
"Sam bat ka huminto? Hindi pa naman dito ang bahay namin ah." -Devon
"I know Devon. You know what, Isa lang naman ang gusto kong mangyari, ang makasama ka ng matagal. Nayon lang Devz please." Sabi nito habang hindi inaalis ang mga mata sa mukha ni Devon.
"Sam ano bang sinasabi mo? Alam mo pagod at stress lang yan. Tara na, magdrive ka na ulit." Kalmado lang si Devon habang kausap si Sam. Alam niyang walang gagawing masama sa kanya ang lalaki. She trusts Sam so much kaya alam niyang hindi ito papayag na may mangyaring masama sa kanya.
"Hindi Devon, Ive been keeping this for a long time. Hindi mo alam kung gaano kahirap magtago ng nararamdaman mo sa isang tao, na hindi mo man lang masabi kung gaano mo siya kamahal."
"Sam"
"Mahal kita Devz, I love you.. matagal na." sa wakas ay nagawang aminin ni Sam ang damdamin niyang pilit itinatago sa babae.
"Sam, hindi tama to," -Devon
"Ano ang tama Devon? Tell me whats right? Mas hindi tamang itago ko na lang ang nararamdaman ko habang buhay. Nahihirapan na ako Devz. You dont know how I feel pag nakikita ko kayong dalawa ni James na magkasama sa isang sweet na production kahit alam kong loveteam kayo. I know wala akong karapatang masaktan o magselos pero I cant help it." Ngayon lang nakita ni Devon na umiyak si Sam ng ganon. Gusto niya itong yakapin ngunit may pumipigil sa utak niya na gawin yon. Nalilito siya, hindi niya alam kung anong gagawin ng mga oras na yon, hindi niya alam kung anong sasabihin niya sa lalaki.
"Sorry Devon, I didn't mean to ruin your night. Hindi mo kailangang sumagot. Importante lang sa akin na sabihin ko sayo kung ano ang nararamdaman ko. I don't want to pretend anymore that I'm okay when in fact I'm not." -Sam
"Sam, honestly nagulat ako sa mga sinabi mo. I appreciate it so much, pero hindi ako handa. I have set my priorities already. At ang pamilya ko yon. Gusto kong bigyan ng magandang buhay ang family ko at hindi ko yon magagawa kung uunahin ko ang pakikipagrelsyon. Im sorry Sam." Hindi makapaniwala si Devon na nagawa niyang sabihin ang mga bagay na yon kahit alam niyang masasaktan ang kanyang kaibigan, ngunit inisip niya rin ang sinabi sa kanila ng kanilang mga bosses. THEY HAVE TO TAKE CARE OF THEIR LOVETEAM.
"Devon I can wait. I'm not rushing you. Gusto ko lang.." hindi na siya pinatapos ni Devon sa pagsasalita.
"NO Sam, hindi ko gustong umasa ka. I want you to be happy, be free." Pagkatapos sabihin yon ay bumaba siya sa kotse ng binata saka sumakay sa isang paparating na taxi at doon ibinuhos ang lahat ng luha na kanina pa nagbabantang dumaloy.
"Im sorry Sam, Im so so sorry!" saka tuluyang napahagulgol at hindi inisip kung anong sasabihin ng driver ng taxi. Gsuto lang nyang iiyak lahat para pagdating sa kanilang bahay wala na. She has to be back to her old self again.