Monday, April 4, 2011

Chapter 22

Masakit ang ulo ni Sam ng magising siya. Tiningnan niya ang oras, 2pm na. Nakita niya sina Robi at Arron himbing pa rin ang mga ito sa pagtulog. Alas kwatro na kasi ng madaling-araw ng matulog sila. PAre-parehong walang work ang apat ng araw na yon kaya okay lang na matulog sila buong araw. Lumabas siya ng kwarto at ng pababa siya ng hagdan nakita niya si Quen na nanunuod sa T.V. Naalala ni Sam guest nga pala si Erich sa show, hindi talaga palalampasin ni Quen yon. Alam niyang matagl ng crush ni Quen si Erich, kasamahan nila sa ASAP.

"Hey brahw, nagising ka rin sa wakas," sabi ni Quen ng makita niyang palapit si Sam sa kanya.

"Sakit nga ng ulo ko."-Sam

"Umalis sina tita and tito, hindi na sila nagpaalam sayo." sabi ni Quen sa kanya

"Saan daw sila pumunta?" -Sam

"May imemeet daw na client." -Quen

"Ah ok." -Sam

"Brahw, okay ka lang? Alam mong mas madaming problema ngayon. Remember yong sinabi ng manager mo sayo kagabi." sabi ni Quen sa kanya.

Naalala niya nong tumawag ang kanyang manager habang nasa poolside sila ng mga kaibigan.

Rinnnggg Ringgg...

"Sam, i think its your phone ringing."-Quen

Tumayo siya para kunin ang phone..ANG KANYANG MANAGER!

"Hello tita, goodevening po."

"Ewan ko kung anong maganda sa gabing ito. Sam anong meron sa inyo ni Devon?" hindi sumisigaw ang kanyang manager pero sa tono ng boses nito alam niyang galit siya.

"What do you mean po? " -Sam

"Tumawag sa akin si Mr. M Samuel. May tumawag daw sa kanya na may nakakita daw sa inyong dalawa ni Devon na magkayakap. Sam alam mo ba tong pinapasok mo?" ngayon ay sumisigaw na ang manager niya. (Co-management kasi siya with star magic.)

Hindi alam ni Sam kung anong isasagot niya sa manager.

"Sam, maghanap ka ng paraan kung paano lulusutan to. My God, alam niyo naman ang mga consequences kung sakali. Mga bata pa kayo, Devon is still beginning to shine. Humanda ka, siguradong lalabas na to bukas sa mga blind items o sa anumang entertainment sites." -manager

"But I love her tita." -Sam

"So its not a chismis? My God Sam.. Huwag na huwag kang magpapainterview for this. Hayaan na lang natin na mamatay ang issue. Lets choose to keep quiet regarding the issue." -galit na sabi ng kanyang manager saka tinapos ang tawag.

"Hoy Sam..lalim ng iniisip ah." -Quen

Hindi siya pinansin ng binata, umupo na lang ito sa tabi ni Quen para samahan itong manuod.

"Ah, brahw theres something you need to know." -Quen

"Ano?" -Sam

"Devon will be on E-live." -Quen

"What? I dont think she has something to promote." kinakabahang sabi ni Sam

"Alam kong alam mo kung bakit siya maggeguest. Kaya ako nanunuod dahil inaabangan ko ang interview niya. After this siya na ang susunod." -Quen

"How did you know about it?" Elle texted me.

Commercial na, si Devon na ang sunod na maiinterview. Kinakabahan si Sam, hindi niya alam kung bakit.

"Welcome back to E-live, nagyon po ay kasama natin ang isa sa mga main cast ng teen dance drama na goodvibes at ang PBB 4th big placer teen clash edition DEVON SERON. Welcome to E-live Devon." sabi ni Luis who is doing the interview.

"Thank you po and Good Afternoon sa inyong lahat!" nakangiti si Devon habang bumabati sa mga manunuod.

"Ayan, Devon there's this blind item circulating na sinasabing may isang baguhang young actress at isang matagal tagal na rin sa industriyang singer/actor ang nakitang magkayakap sa isang public place. And just this morning, may mga nagpangalan nga sa blind item at sinasabing ikaw at si Sam Concepcion ito. Ano ang masasabi mo sa isyu?" -Luis

"Naku kuya Luis baka kamukha ko lang po yong nakita nila."-Devon

"So you're saying na hindi kayo ni Sam yon? Pero paano yong sinasabi nilang may nakakuha ng picture niyong dalawa at kinukumpirma ng source na ito na kayo nga yon." -Luis

"Sa technology natin ngayon andami ng pwedeng gawin kuya, alam mo yan. sana po tigiulan na lang ang issue kasi wala po talagang ganon." -Devon

"According sa isang source, kayo na daw ni Sam Concepcion pero pinili nyong itago ang inyong relasyon dahil sa career. Devon, totoo ba ito? -Luis

Hindi mapakali si Sam habang pinapanuod ang interview ni Devon. Kinakabahan siya sa isasagot ng dalaga sa tanong ni Luis.

"Hindi po! Hindi po kami ni Sam, kaya sana po tigilan na lang po ang pagkalat ng chismis dahil hindi po nakakatuwa." -Devon

"Kung saka-sakali bang ligawan ka ni Sam may pag-asa ba siya?" -Luis

Tumawa muna si devon bago sinagot ang tanong ni Luis.

"Alam niyo po bata pa po ako at focus ko lang po sa ngayon is career. And ayaw ko rin naman pong magsalita kasi we dont know what will happen in the future." sabi na lang ng dalaga dahil alam niyang mapapanuod ito ni Sam at ayaw niya itong masaktan ng todo.

"One last question before we end this interview, Devon tanong ng buong pilipinas, SAM or JAMES? Kailangang isa lang."

Hindi inaasahan ni Devon na itatanong ni Luis ang bagay na yon. Hindi siya na brief tungkol don kaya kuhang-kuha sa kamera ang pagkagulat niya.

"Devon?" -Luis

"James" - Sabi ng dalaga at biglang hiyawan ang grupo ng GEMS na nasa studio.

Nagulat sina Arron at Robi habang pababa sila ng hagdan ng biglang ibato ni Sam ang isang hawak na picture frame sa television screen.

"Brahw, may problema?" mabilis na bumaba si Arron para tanungin ang kaibigan.

Hindi siya pinansin ni Sam, tumayo ito at tumakbo paakyat sa kanyang kwarto. Nagtataka sina robi at Arron kung anong nangyari ngunit hinayaan lang muna nila ang kaibigan.

"Brahw, what happened?" usisa ni Robi kay Quen

Sinabi ni Quen sa mga ito ang nagyari sa interview ni Devon sa E-live kanina lang. Nagulat ang dalawa at hindi rin nila naiwasang magalit kay Devon. Oo naiintindihan nila na Devon is doing everything para pangalagaan ang career pero hinid nila inisip na magagawa ni Devon na saktan ng ganon si Sam. KAsi pwede naman niyang hindi sagutin ang tanong na yon para walang masaktan pero ginawa niya. And he have chosen to hurt Sam's feelings.

Chapter 21

"GF, kanina ka pa tahimik ah." sabi ni Elle kay Devon habang nasa isang resto sila para mag dinner. Kanina pa kasi nagtsitsismisan sina Elle at Auriette pero hindi ata nakikinig si Devon, dati rati ay siya yong laging nag-uumpisa ng conversation, siya yong laging bangka pero iba siya ngayon.

"Oo nga naman Gf, Is there something wrong? Si James na naman ba?"- tanong ni Auriette sa kaibigan.

"Ha, ano ba kayo..Wala to noh. Saka gf bat ko naman poproblemahin si James?"- Devon

"Ay naku Devon, kahit BFF kayo ni Quen nagkukuwento rin naman siya sa amin tungkol sa mga nangyayari sa yo noh. He told us about what happened sa taping niyo." -Auriette

"Si Quen talaga." -Devon

"Hoy, anong si Quen talaga? Buti nga si Quen alam niyang dapat din naming malaman if may problema ka. IKaw hindi ka man lang mag share sa amin ni Elle."-Auriette

"Tama si Auriette. Devz, if there's something bothering you can tell us din naman eh. Tanggap naman namin ni Auriette na iba yong samahan niyo ni Quen kaso nakakatampo ka rin naman. Girlfriends tayo right?" -Elle

"Hay naku, alam niyo kayong dalawa napapraning lang kayo. Im really okay. Ayan na yong food, kain na tayo. Hindi maganda na pinaghihintay ang pagkain." -Devon

Wala ng nagawa pa ang dalawa niyang kaibigan kundi tumahimik na lang.

Ayaw pa halata ni Devon na bothered talaga siyapero kahit anong pilit niyang maging masigla sa pagkain ay hindi pa rin niya magawa. Nagalaw naman niya kahit papano ngunit hindi ganun ang devon na kilala nina Elle. Kasi pag lumalabas sila para kumain wala talagang tinitira ang dalaga. Nagkatinginan sina Elle at Auriette pero hindi sila nagsalita. Tinapos ng dalawa ang pagkain saka nag-aya si Elle na mag sleep over ang dalawa sa bahay nila. Pumayag agad si Auriette dahil nakuha niya kung anong gustong mangyari ni Elle samantalang si Devon ay tahimik lang ngunit hindi naman siya nag-disagree.

De Vera reidence:

Hinahanap ni Auriette ang "Tangled" na DVD para panuorin nila. Actually napanuod na nila yon sa sinehan pero hindi nagsasawa ang tatlo sa kapapanuod dito.

Si Elle naman na nakaupo sa sofa ay hindi na maiwasang tanungin si Devon.

"Angelique, c'mon spill it out. Wag mong sasabihin na okay ka dahil alam naming hindi." -seryoso ang mukha ni Elle habang nakatingin siya sa nakayuko namang si Devon. Si Auriette naman ay tumigil muna sa paghahanap at umupo sa tabi ni Devon na nakaupo sa kama ni Elle.

"Sige na Gf, Hindi naman namin kaya ni Elle na nakikita kang ganyan. Kapag nalulungkot ka, siyempre malungkot din kami." -Auriette

Doon na tuluyang inilabas ni Devon ang sama ng loob. Umiyak siya at hinayaan naman siya ng dalawa para maibuhos niya lahat saka nila ito kakausapin.

Nang mahimasmasan siya ay lumapit sa dalawa si Elle saka sila nag group hug.

"Thank you guys..for always being here." -Devon

"Devon, if its not James, I guess si Sam?"- tanong ni Elle sa kanya.

"Ha? Si Samuel? As in Samuel Angelo?" -OA ang pagkakasabi ni Auriette ngunit talagang gulat na gulat siya sa sinabi ni Elle.

"Hoy Auriette, hindi ka rin OA noh?" -Elle

"Kasi naman, tama ba narinig ko? You and Sam have..?" hindi na niya itinuloy ang sasabihin dahil nagsalita na rin si Devon.

"Tama kayo. And sorry if tinago ko sa inyo na.. na kami na ni Sam."-Devon

"Talaga Devz?" may excitement ang pagkakasabi ni Elle samantalang si Auriette ay wala talagang clue sa mga nangyayayari pero unti-unti niyang naiintindihan.

"Pero gf ang hirap eh. Wala pang 1 week since naging kami ngunit bakit ganito? Hindi ba pwedeng maging masaya lang?" -unti-unting dumadaloy na naman ang mga luha ng dalaga.

"Bakit? Hindi ka ba masaya sa kanya? Sinasaktan ka ni Sam?"- Elle

"No..Hindi talaga. I can feel his concern, his love..pero ang daming kulang, ang daming bawal." -Devon

"Alam ko ang ibig mong sabihin Devon. Alam ko rin na marami ka pang gustong marating dito sa showbiz. Alam na ba ni James?"-Elle

"I guess so. Wala akong sinabi sa kanya pero ang alam ko nakita niya kami ni Sam the time na sinagot ko siya." -Devon

"Ngayon malinaw na sa akin. Nagselos si James kaya hinid naging maganda ang pakikitungo niya sa after that." -Auriette

"Pero GF, mahal mo ba si Sam?" -Elle

Matagal na katahimikan bago ulit nagsalita ang dalaga.

"Mahal..ngayon hindi na ako sigurado, pero one thing is for sure, I love my career." -Devon

"Devon, hindi pwede yan. Hindi pwede na hindi ka sigurado. Its unfair for Sam." -Auriette

"Alam ko..Alam ko naman yon eh, kaya nga naguguluhan ako, Lalo na kanina parang may nakakita sa amin ni Sam. I dont know what to do pag lumabas to, Ayaw kong masira ang naumpisahan ko ng career." -Devon

"So anong plano mo ngayon? Kasi honestly kay Sam ako naaawa hindi sayo." -Elle

Cruz residence:

"Brahw bat bigla bigla ka naman atang nagyaya dito sa bahay niyo." Sabi ni Arron habang nasa gilid sila ng pool may hawak hawak na tig-isang beer ang mga ito.

"Alam niyo naman yan, full of surprises. Anong okasyon?" sabi ni Quen na umupo sa tabi ni Sam.

"Gago, wala. Bawal ba mag-enjoy paminsan-minsan?" -Sam

Si Robi naman na alam ang pinagdadaanan ng kaibigan ay hindi nakatiis at nagsalita na rin.

"Sam alam mo ilabas mo lang yan. Hindi isang kahinaan sa lalaki ang umiyak." sabay inom ng beer na hawak.

Tiningnan naman ni Quen at Arron si Robi.

"BAkit ganon?" -Sam

"Alam mo brahw, matagal ka na dito sa industry and I know na alam mo kung anong klaseng buhay meron tayo dito. Na minsan kahit wala ng mga camera na nakatutok ay kelangan pa rin nating umarte." -Robi

"Ayaw kong intindihin ang mga rason nila. Ang babaw brahw, ang babaw." -Sam

"Devon is a newbie in the industry. Ikaw may narating ka na both singing and acting career mo. You should understand na malakas ang loveteam nina James and DEvon, ang daming JAEVON fans ang magagalit or magbaback out ng support pag lumabas ang tungkol sa inyo ni Devz."-Robi

"Wait, wait lang guys.. Naririnig ko kasi ang pangalan ni GF. Just to make it clear, Sam kayo ni Devon?" -hindi makapaniwalang tanong ni Quen sa kaibigan.

"See even sa BFF ni Devon ay hindi niya sinasabi ang tungkol sa inyo. Talagang pinapahalagahan niya ang inumpisahan nila ni James." -Robi

"What the hell! I dont care sa mga sinasabi ng mga unreasonable fans." -galit na sabi ni Sam

"Look Sam, were not saying that the JAEVONS were like that, pero hindi talaga maiiwasan ang ibang fans na mag-react negatively." -Arron

"Alam mo brahw, sa totoo lang nagulat ako sa narinig ko ngayon. You know how I love my bestfriend so much, isa lang ang gusto ko, for her to be happy." -sabi ni Quen.

"Sa nakikita ko, I dont think they are." -sabi ni Arron sa tatlo.

"Kung talagang mahal mo si Devz, kakayanin mo ang mga ito. Kung talagang mahal niyo ang isat-isa dapat kayanin niyo. Panindigan nyo ang pinasok niyo. Balikan niyo ang mga priorities niyo, Nauna ba ang lovelife don? Kasi dapat alam ng bawat isa sa inyo ang sari-sarili nyong priorities para hindi lalong magkaron ng problema."- Robi

Ringgggg-Ringggggg-Ringgg

chapter 20

Tuesdelicious Rehearsals: Napansi ni Devon ang pananahimik ni Sam. Hindi pa sila nagkakausap dalawa since inihatid siya nito dalawang araw na ang nakakaraan.

"Uhm boss, problema?" sabi niya ng makalapit dito. Hindi naman niya kailangang iwasan ang binata dahil alam ng lahat na close na silang dalawa dati pero hindi aware ang mga ito sa totoong relasyon ng dalawa maliban kay James at kay Elle na may alam din pero hindi alam ng dalaga na sila na.

"Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko noong nakaraang araw?"-Sam

"Ah, sorry. Nkatulog kasi ako that time sa biyahe. Nakita ko na lang noong nasa house na ako." -Devon

"Im trying to call you that time para sabihing dadaan ako para sunduin ka. Nakailang tawag ako ah." -Hindi pa rin siya tinitingnan ni Sam.

"Sorry talaga. I promise it wont happen again. Saka hinatid din naman ako ni.." hindi tinapos ng dalaga ang sasabihin niya.

"Ni James." dugtong ni Sam dito.

"Oo nagmagandang loob siya na ihatid ako hanggang sa bahay since madadaanan naman niya." -tanging nasabi na lang ni Devon.

"Okay, sige puntahan mo na siya. Kailangan niyong magrehearse for your number ni James." -pagtataboy niya sa dalaga.

"Sam.." -ayaw umalis ng dalaga sa tabi niya hanggang hindi sila nagiging ok.

"Devz, its okay. Dont worry I understand. I'll try to understand because I love you." -bulong niya dito.

Kahit papano nakampante siya sa sinabi ng kasintahan.

"Thank you." -sabi niya saka iniwan si Sam.

"Nahihirapan ka na ba brahw?" biglang sulpot ni Robi mula sa kanyang likuran.

Hindi niya sinagot ang kaibigan. Sa lahat kasi ng mga kaibigan niya, si Robi ang labis niyang pinagkakatiwalaan. Alam ni Robi ang tungkol sa kanilang dalawa ni Devz. Sinabi din niya dito ang tungkol sa mga naging kasunduan nilang dalawa, ang itago muna ang kanilang relasyon.

"I know its hard. Pero ganyan talaga. Hindi mo mararamdaman ang saya later on kung hindi kayo dadaan sa trials. I hope kaya niyong ihandle ni devz ang mga ito." -Robi

"Ewan ko brahw. Im trying my best to be professional pero nahihirapan pa rin ako. Siguro hindi nga ako ganon kagaling pa sa larangang ito dahil marami pang mga bagay ang hindi ko matanggap."-Sam

"Mukhang seryosong usapan to mga brahws." Sabi ni Arron na bagong dating lang.

"Kanina ka pa hinahanap ni Elle, galit!" sabi naman ni Quen kay Arron na lumapit na rin nong makita niya ang tatlo na magkakasama.

"Bakit? Ano kailangan niya? What did I do?" kinakabahang sabi ni Arron

"Joke! Kaw naman di ka mabiro. Ang seryoso kasi ng mukha ng dalawang to eh." saka tinuro sina Sam at Robi.

"Sa bahay kayo matulog tonight ha." sabi ni Sam saka tumayo dahil tinawag siya ng kanyang mommy.

Nagtataka man si Quen sa biglang pag invite ni Sam ngunit hindi na siya nagtanong pa.

Natapos ang kanilang rehearsal ng di man lang nagkakausap sina Sam and Devon. Sinubukan ni Devon na humanap ng chance para kausapin ang kanyang boyfriend pero hindi niya magawa dahil laging nasa tabi nito si James.

Si Sam naman ay hindi na nag-effort pa na lapitan si Devon dahil alam niyang hindi rin naman niya ito makakausap ng maayos dahil bantay-sarado sa kanya si James. Hindi na rin niya nakita ang dalaga ng bumalik siya galing sa kanilang dressing room.

Dumaan si Sam sa loop ng ABS dahil naghihintay sa kanya ang kanyang mommy doon ng mapansin niya si Devon. Hindi siya pwede magkamali kahit nakatalikod ang dalaga. Alam na alam niya likod pa lang nito. She is weariing a bare-back drape blouse. Hindi yon ang suot niya sa rehearsal kanina pero hindi siya maaaring magkamali na ang girlfriend niya yon.

Lumapit siya dito.

"Waiting for someone?" tanong niya na ikinagulat ng dalaga at napatalikod ito para harapin siya.

"Sam kaw pala. Hinahanap kita kanina pero nawala ka. I thought umuwi ka na."-Devon

"Why did you not text me?"-Sam

"Hindi ko naisip."-kaswal ang pag-uusap ng dalawa, kahit sino hinid mag-iisip na may relasyong namamagitan sa kanila.

"So bakit ka pa nandito? Hindi ka ba ihahatid ni James ngayon?" Tanong ni Sam sa kanya. Hindi niya tuloy alam kung nagseselos ang kanyang boyfriend dahil napaka casual lang nitong magsalita.

"Naunang umalis kasi may event silang pupuntahan nina IVAn." sabi niya

"I see. So who are you waiting for?"-Sam

"Ah sina Elle. Lalabas daw kami. Tagal nga ng dalawang yon kanina pa ako andito." -Devon

Tahimik nang dalawa ng biglang may grupo ng mga kababaihang lumapit sa kanila.

"Hello Devon, Ang ganda mo talaga. And bagay kayo ni Sam." sabi ng unang babaeng nakalapit sa kanila.

Ngumiti lang si Devon sa sinabi nito.

"We are samvon supporters. Pwede bang makakuha ng pic niyo together?"-sabi ng isa pa.

"Sure." -sabi ni Devon saka nagsmile sa camera. Si Sam naman ay nakangiti na rin. Inilapit niya ang katawan kay Devon saka umakbay dito. Ngayon lang niya nagawa yon, Mag bf-gf sila pero yon ang mga bagay na hindi nila nagagawa.

"Thank you so much Sam and Devon. Sana you will stay as humble as you are. And excited na kami for goodvibes." -sabi ulit ng isang babae.

"Salamat po. Kami rin excited for it." sabi naman ni Sam sa mga ito

"Sana maraming samvon moments doon." dagdag ng isa pa.

Natahimik ang dalawa dahil alam nilang wla silang masyadong eksenang dalawa doon dahil si James and Quen ang laging kaeksena ng dalaga, siya naman ay sina Lyn at Yeng naman, ang dalawa pang kasamahan nila sa GV.

"Hey devz, sam.. Sorry GF natagalan kami. Tong si AUriette kasi ang bagal kumilos, Dami nong mga kausap niyo kanina ah. SAmSTERS o DEVONAIRS?" tanong ni Elle sa kanila

"BOTH!" sagot naman sa kanya ni Sam

"Samvon?" tanong naman ni Auriette.

"Yes, the samvon bubbles." Proud na sabi ni Sam sa dalawa.

"Imagine that..ang bilis dumami ah. Parang kelan lang JAEVON ang laging nandito. Im a fan of Samvon too from now on!" sabi naman ni Elle.

"Haha, Elle talaga oh. Alis na ba tayo?" tanong ni Devon sa kaibigan.

"Kaw Sam? You want to come with us?" tanong ni Auriette dito.

"No, sige kayo na lang. Kasama ko si mommy eh. tsaka may bonding din kami with my gigger mates mamaya." sabi niya sa tatlong dalaga.

"OKay, tara na Auriette, sunod na lang si Devon. LIka na bilis." sabi ni Elle habang hinihila ang kamay ni Auriette. Gusto niyang bigyan ng privacy ang dalawa niyang kaibigan para makapag-usap kahit sandali man lang.

"So pano,  kitakits na lang sa studio bukas?" sabi ni Devon sa kanya.

"Ano pa nga ba."-Sam

Hinila ni Sam ang kamay ni Devon at dinala niya ito sa area kung saan walang masyadong makakapansin sa kanila.

"Sam, baka may makakita sa atin." sabi ni Devon na pilit hinihila ang kamay mula kay Sam dahil natatakot siyang may taong makakita sa kanila.

Agad siyang niyakap ng binata. Saka hingod nito ang mahaba niyang buhok.

"Devon kahit sandali lang please. Sandaling-sandali lang." sabi niya na lalong hinigpitan ang pagkakayakap dito.

Ang hindi napansin ng dalawa ay may isang tao na nakakuha sa nangyari. Kumalas na si Sam sa pagkakayakap kay Devon ng napansin ng dalaga ang isang taong biglang tumakbo palayo. Bigla siyang kinabahan.

"Sam, may tao kanina. Sabi ko na nga ba hindi tayo dapat nag-uusap pag nasa public place tayo."-Devon

"And what do you want us to do devon? Tayo naman diba? Hindi naman yata tama na hinid tayo mag-usap." -madiing sabi ni Sam

"Pero hinid natin alam kung sino ang mga taong maaaring makakita sa atin." sabi ni Devon sa kanya

"The hell I care about them Devon." sumigaw na si Sam, buti na lang malayo ang mga tao sa kanila.

"Ikaw wala.. Wala kang pakialam sa kanila pero ako meron. Dahil konting mali ko lang, mawawala na lahat! Marami akong gustong mangyari sa buhay ko Sam." hindi na napigilan ni Devon ang ilang butil ng luha na tumulo mula sa kanyang mga mata.

Napansin naman ni Sam iyon. Naaawa siya kay Devon, pero mas lalong naaawa siya para sa kanyang sarili. Hindi niya alam kung anong mangyayari sa kanya pag mawala si Devon sa buhay niya, at ayaw niyang isipin ang mga bagay na yon. Galit siya! Galit na galit sa mga taong pumipigil sa kanilang gawin ang mga bagay na nagpapasaya sa kanila.

Kinalma ni Sam ang sarili saka niya niyakap ulit ang dalaga.

"Im sorry. Im so so sorry!" -Sam

Chapter XIX

GV Taping: Maagang pumunta si Devon sa location dahil ayaw niyang magalit masabihan na may attitude problem siya and anything. Laking gulat niya ng makita niya si James na nauna pang dumating sa kanya. Kung dati rati ay agad siyang sinasalubong ng lalaki ngayon ay iba ang nangyari. Hindi man lang tumayo si James sa kinauupuan nito. Abala ito sa pagbabasa ng kanyang script. Agad namang lumapit sa kanya ang kanyang manager na naroon din.

"OH Devon, Im glad na maaga kayong dalawa ni James. So ready ka na? I guess youve read your script naman bago pumunta dito."-manager Bing

"Yes po. I'll try to do my best para di naman po mapahiya."-Devon

"Thats what I like about you and James. Pasensya na kung minsan napapagalitan namin kayo. Gusto naming may marating kayo dito sa industriya kaya namin ginagawa lahat to." Sabi ng kanyang manager na naunang naglakad palapit sa upuan kung saan malapit kay James.

"Alam naman po namin yon. Don't worry tita gagawin po namin ni James ang best namin sa lahat." -saka ito umupo sa tabi ni James.

Tumango lang si James sa narinig niyang sinabi ni Devon saka ulit binalik ang mga mata sa binabasa.

"Oh siya sige maiwan ko na kayo. I have a meeting to attend mamayang 8. Goodluck mga anak." Saka ito nagbeso sa dalawa bago umalis.

KATAHIMIKAN!

Hindi nakatiis si Devon sa katahimikang namamagitan sa kanila ni JAmes kaya siya na ang bumasag non.

"James, is there a problem?" tanong niya sa lalaki.

"I dont have any problem, baka ikaw meron?" tipid na sagot nito.

"Hindi kasi ako sanay na tahimik ka. Baka lang may nagawa akong hindi mo nagustuhan." Alam ni Devon na ang relasyon nila ni Sam ang dahilan ngunit nagmaang maangan ang dalaga. Nagkunwari siyang hindi siya aware na nakita sila ni James. She want James to tell her exactly what his problem is.

"Dont worry Devon, Gagawin ko ang trabaho ko, natin! And if may personal na problema ako, I assure you hindi ito makaaapekto sa work natin." -ngayon ay nakatitig ito sa kanya ngunit wala kang mababasang emosyon sa kanyang mga mata. Hindi matagalan ni Devon ang mga titig na yon ni James kaya siya ang nagbaba ng tingin.

"Ah excuse lang James ha, pa make up ako." -paalam niya dito.Buti na lang nakahanap siya ng palusot kundi hindi niya alam kung paano ito pakikitunguhan. Pero alam niyang kung ganito lagi ang pakikitungo ni JAmes sa kanya ay magkakaroon at magkakaron sila ng problema sa  trabaho. Kung kaya ni James na gampanan ang kanyang role ng maayos, siya ay hindi niya alam,. Hindi niya alam kung kakayanin niyang magkunwaring masaya kahit alam na alam niyang hindi sila okay ni James. BAbae si Devon, very sentimental, very emotional.

Ito ang unang pagkakataon na magkakaeksena ang dalawa sa show nila. Kung dati excited siya sa scene nila ni James ngayon ay kabaliktaran ang nangyayari.

"I know something's not right."

"Quen, andyan ka pala. Hindi kita napansin kanina." sabi ni Devz sa kanyang bf na tingin niya ay kadarating lang dahil hinid niya napansin kaninang dumating siya.

"Actually nauna pa ako sayo GF. Youre too preoccupied para maisip pa ako."may himig pagtatampong sabi nito.

"Aba at nagdrama? Alam mo magaling kang artista pero hindi bagay sayo ang magdrama sa totoong buhay. Paano kaya nagagawang ng kamera na ibagay sayo kung may drama scene ka." sabi ni Devon sa kaibigan.

"Ganon? Pero Gf, matanong nga kita. May problem ba kayo ni James?" -tanong ni Quen habang nakatingin sa direksyon ni JAmes.

"Wala ano ka ba. Wala lang siguro yan sa mood."- pagsisinungaling ni Devon.

"Okay, sabi mo eh. Nakakapanibago lang. Sige sunod ka na ha, tayo na ang kukunan ng eksena." sabi nito saka naunang lumapit sa knailang direktor.
----------
"CUT." sigaw ng kanilang direktor. Tapos na ang eksena nila ni Quen at sila naman ngayon ni James ang kinukunan.

"What is wrong with you Devon? OKay ka naman kanina ah.. Nakailang takes na tayo hindi mo pa rin magawa ng maayos. James, will you talk to your partner bago pa tuluyang sumabog ang ulo ko." Sabi nito saka tuluyang tinalikuran silang dalawa. Si Quen naman ay nag-aalala para sa kanyang kaibigan. Nagawa naman nilang maayos kanina yong eksena nilang dalawa. Lumapit siya kina James at Devon.

"Guys, I know may problema. Brahw, you need to talk about it before lumaki. GF, focus! Sige maiwan ko muna kayo para makapag-usap kayo ng maayos."-Quen.

Naglakad si James, sumunod siya rito.

"Sorry, alam kung nadamay ka pa sa galit ni direk dahil sa akin." Devon

"Devon, tama si Quen youre just losing focus. Kung ang pagiging cold ko ang reason, devz dont mind me. May iniisip lang akong mga bagay. Look I'm sorry okay?"-humarap si JAmes sa kanya.

"Galit ka ba sa akin?"-Devon

"Bakit dapat ba akong magalit sayo? Devon I have no reason to get mad at you. I dont want to see you sad." -hindi na kaya ni James na tiisin si Devon kaya kahit masakit para sa kanya ang nakita at narinig kailangan niyang tanggapin.

"Talaga? Bati na tayo?"-naluluha si Devon habang nagsasalita.

"Come here." hinawakan niya ang kamay ng dalaga at niyakap ito. Gustong gusto ni James na huwag ng bitawan ang dalaga sa kanyang pagkakayakap pero alam niyang mali.

"Halika na, tayo na ang tumawag kay direk para hindio siya lalong magalit sa atin." yaya ni Devon kay James.
-----------------------
"Cuttt..Very good! Excellent take. Congrats Devon." nakangiting sabi ng direktor sa kanya.

"Thank you direk."- Devon

"Galing mo don GF ah. Pang best comedy actress ang drama mo kanina." may pagka OA na sabi ni Quen ng lumapit sa kanya.

"Comedy tapos drama?" tanong naman niya kay Quen.

"Ay, GF naman..may pagka-slow?"-Quen

Sabay namang natawa sina James at Devon sa sinabi ni Quen. Naintindihan naman ni Dewvon si Quen, gusto lang niya itong asarin.

"GF, hatid na kita mamaya sa inyo." -Quen

"Hmm Quen, is it okay if ako na ang maghatid kay Devz later?" hindi inasahan ni Devon na sasabihin ni James yon.

"Oh sige. Pero kain muna tayo, maraming dinalang food ang mga tropa natin Devz." ang tinutukoy ni Quen ay ang fans nila ni Devon na tinatawag nilang Tropang Devquen. Marami kasi ang nakapansin sa pagiging malapit nina Devon and Quen kaya din nagkaroon ng fanbase ang friendship team up nila.

Pagkatapos nilang kumain ay nagpaalam na si Quen sa kanila.

"So pano, una na ako sa inyo. Bye GF, brahw."

"INgat ka."sabi ni Devz dito.

"Tara?" tanong naman sa kanya ni James.

"James, thank you." sabi ni Devon habang sakay na sila sa hummer ni James.

"For what?"-kaswal na tanong ng lalaki.

"Kasi bati na tayo."-Devon

"Hindi naman tayo nag-away ah." sabi nito.

"Basta, thank you."-Devon

"OKay. Thank you too.. thank you for coming into my life and for making me happy, for..for being.. a good friend." sabi ni James.

Ngumiti si Devon sa kanya. Oh how he misses those smiles. "Kung pwede lang na agawin kita sa kanya..devon gagawin ko. But I know youre happy with him. Pero sana wag mo akong bawalan na mahalin ka pa rin." Yon ang mga salitang tumatakbo sa isip ni James ng mga sandaling yon. Kaya ayaw niyang kompirmahin sa kanya ni Devon na sila na dahil kapag nangyari yon mas lalong mawawalan siya ng karapatan sa dalaga.

*SIGH*

Napansin niyang naidlip pala ang dalaga ng biglang tumunog ang phone nito. Tingin niya ay malalim ang pagkakatulog ng dalaga kaya kinuha niya ang phone nito na nasa bag at tiningnan kung sino ang tumatawag sa dalaga. Dati na niya yong ginagawa, pag nakakatulog ang dalaga, pinakikialaman niya ang laman ng bag nito pero sinasabi din sa kanya pagkagising niya.

"BEBS calling."

Sunday, April 3, 2011

Chapter XVIII

Patapos ng kumain ang tatlo ng tumawag ang mommy ni Quen.

"Excuse lang guys. Si mommy."- saka nito sinagot ang phone.

"Hello mum." -Quen

"Quen saan ka? Can you come home now kasi Javy and I are going to attend your tita Miel's party. Lizzie  dont want to come with us. She said uuwi ka rin naman daw early ngayon kaya may kasama pa din siya. I dont want to leave naman na mag-isa si Liz dito. Yaya is sick kaya pinauwi ko din kaninang tanghali sa kanila." Sabi ng mama niya sa kabilang linya

"Okay mum, paalam lang ako kina Devz din diretso na ako dyan."-Quen

"Okay son, and say hello to Devon for me. Bye."-Quen's Mum

"Ano sabi ni tita?" sabi ni Devon habang nakatingin sa kaibigan.

"Sorry gf pero I have to go na. Walang kasama maiiwan si Lizzie sa bahay. Ah, Sam pwede ikaw muna maghatid kay Devon? Sorry gf, Its good thing that Sam joined us pala."-Quen

"Ano ka ba, okay lang yon. Sige go na baka hinihintay ka na nila. Kiss lil Lizzie for me."- Devon

"Sige guys." Nagbeso ito kay Devz pagkatapos tinapik ang shoulder ni Sam.

Tahimik ang dalawa ng makaalis si Quen. Kanina lang sila naging magkasintahan ni Sam kaya ilang pa rin ang dalaga.

"Ah, bebz gusto mo maglakad lakad muna tayo bago umuwi?" tanong ni Sam sa kanya.

"Sam, baka may makarinig sayo." paalala niya kay Sam habang panay ang tingin sa paligid.

"Why is it like this Devz? Why cant we be ourselves? Were here, ang lapit natin sa isat-isa yet parang ang layo pa rin. I know we agreed sa situation pero mas mahirap pala ang ganito na hindi ko man lang mahawakan ang girlfriend ko." mahinang sabi ni Sam at ramdam ni Devon ang lungkot habang nagsasalita ang lalaki.

"Sam, ilang oras pa lang since maging tayo. Mas madami pa yan, madaming trials na darating. Don't tell me you're giving up?" Nahihirapan din ang dalaga sa sitwasyon pero its for their own good.

"NO! Kaya natin to. MAs hindi ko kakayanin if mawala ka sa buhay ko Devz."-Sam

"Alam mo tara na sa kotse mo. Lets talk there, andaming tao dito."-Devon

Binitbit ni Sam ang dalawang supot ng grocery items na binili nila kanina at sumunod kay Devon.

Nang makasakay ang dalawa sa loob ng kotse agad pinaandar iyon ni Sam. Limang minuto ng tumatakbo ang kotse ng bigla niyang naalala si James. She has to call him. Kinuha niya ang kanyang phone sa bag then dialed James number. Napalingon si Sam sa kanya at nagtatanong ang mga mata kung sino ang tatawagan ng dalaga.

"Si James, nag-aalala kasi ako kanina pa hinid sinasagot ang phone then nong tawagan ko ulit out of coverage na. Hindi naman ugali non ang magpatay ng phone." Sabi ni Devon dahil nauunawaan niya kung ano ang gustong itanong ni Sam sa kanya.

Hindi nakita ni Devon na biglang sumama ang timpla ng lalaki ng marinig ang pangalan ni James dahil direto na ang tingin ni Devon sa kalsada ng tinatawagan si James.

"James..please naman sumagot ka.." narinig ni Sam yon kahit pabulong na sinabi ni Devon.

"Why do you worry so much on him? He's old enough t take care of himself." Pilit nagpapa ka cool na tanong iya pero ramdam ni devon na nagseselos ito.

"Selos ka??" pang-aasar niya sa kasintahan.

"Dapat ba Devz?" seryosong tanong ni Sam sa kanya.

Natahimik si Devon sa tanong ni Sam. Alam niyang mahal niya si Sam ngunit hindi niya maiwasan ang sobrang mag-alala para kay James.

"Ano bang klaseng tanong yan. I and James were just friends. You know that."- hindi nagpahalata si Devon na parang she is also trying to convince herself sa mga sinabi niya.

"I trust you." sabi na lang ni Sam at tinapunan lang siya ng tingin nito.

Nagriring ang cellphone ni James pero Devon dont know if icancel na lang niya ang tawag ng biglang sinagot ito ng lalaki.

"Hello." -tipid na sagot ng kabilang linya

"James, its good sinagot mo. Ive been trying to call you kanina pa ah."-Devon

"Why Devon? Is there something important you want to tell me?" - malamig na sagot ng binata.

"Ah..kasi hindi na kita nakita after ng show. And.. gusto kita iremind na maaga calltime natin bukas."- medyo pa putol putol na sabi ni Devon.

"Its not your job to remind me those Devon. I know, and dont worry I wont be late. I'll try to be professional as much as I can. Is there anything else?" -James

"Ha, wa-wala na! Sige see you to---.." Hindi natapos ni Devon ang sasabihin dahil James ended the call already. Nasaktan siya sa ginawa ni James, hindi siya sanay na ganon ang treatment ng binata sa kanya.Parang gustong tumulo ng kanyang mga luha pero pinigilan niya ito. Ayaw niyang mapansin iyon ni Sam.

"So, where is he?" tanong ni Sam

"Hindi ko natanong eh. "-Devon

Napansin ni Devon na huminto ang sasakyan ni Sam sa gilid ng daan saka hinarap siya ng lalaki.

"Devon, I love you. I dont know what to do pag mawala ka sa buhay ko. Hinid ko kakayanin Devz." sabi nito habang mahigpit ang hawak sa mga kamay ni Devon.

"Hindi ako mawawala. Dont think like that Sam. I'LL always be here."-Devon

Hindi kuntento si Sam sa sinabi niDevon pero she wont pressure her girlfriend. Basta ang importante sa kanya ngayon ay sa kanya si DEVon. Hinalikan niya ang mga kamay ng dalaga saka bumulong.. "I wont hurt you..I promise."

Chapter XVII

"James pick up..pick up please.." bulong ni Devon habang tinatawagan ang number ng kanyang ka LT.

"Oh ano Devz, sinagot ka ba? Saan na daw siya?" tanong sa kanya ng handler na kanina pa nag-aalala sa kanya.

"Wala nga po eh.. Hindi pa po niya sinasagot ang tawag.

"Saan na kaya nagpunta yon. Hindi siya dapat gigimik ngayong gabi kasi you have an early call time tomorrow for the GV taping. Kahit kailan talaga pinapasakit niyong dalawa ang ulo namin.

"Sorry po ate, I'll try to contact pa rin po siya. Dont worry we wont be late tom."-Devon

"Dapat lang, kasi pag na late kayo ewan ko na lang kung anong mangyayari sa career niyo. We keep on reminding both of you kung ano ang mga dapat niyong gawin. I dont know if you really want to excel in this career or not,. " Mahabang seremonyas na naman ng kanilang handler. Ganito lagi ang mga ito, Their manager and their handler keep on  reminding them kung ano ang makabubuti sa kanilang careers. Palibhasa marami talagang alam ang mga ito dahil matagal na silang nagtatrabaho sa mundong ginagalawan nila ngayon.

"Sige ate, Asahan niyong maaga kami ni James bukas."-Devon

Nakaalis na ang handler niya ng lapitan siya ni Quen.

"Uy gf.. lalim ng iniisip ah."- Quen

"Si James kasi, hindi sinasagot ang phone."- Devon

"UY, concern ka sa kanya? Hmm bakit? Wag mong alalahanin yon, malaki na siya."-Quen

Alam naman niya yon na alam ni James ang kanyang ginagawa pero hindi naman siya ganon kamanhid para hindi malaman na nasaktan si James sa kanyang nakita. Sigurado si Devon na nakita sila ni Jams kanina kaya hindi niya maiwasang mag-alala.

"Remind ko lang sana kasi siya about sa taping natin tomorrow. Maaga calltime naming dalawa eh."-Devon

"I see.. itext mo na lang siya. Sigurado mababasa naman niya yan. So tara na?"-Quen

"Ay oo nga pala muntik ko ng makalimutan. Yeah sige.."-Devon

"Ehemmmm..."

"Oh Sam, what are you still doing here? I thought you will go home after S.O?"-Quen

"Tumawag kasi si mommy, umalis daw sila ni kuya kaya if I'll go home wala rin akong madaratnan sa house. Kaya baka pwedeng sumama?" Nakangiti siya habang nakatingin kay Devon

"Siyempre naman. Tara na."-Devon

Masaya ang tatlo sa paggrocery. Isang oras yata sila naglibot sa department store at ng mapagod ay nagdecide silang magdinner muna bago sila umuwi. Pinapili ng dalawa si Devon kung saan nito gustong kumain.

"I am pinoy!"-malakas na sigaw niya kaya ilan sa mga taong nasa paligid nila ay napatingin. Actually napapatingin din naman talaga halos lahat ng dumadaan sa kanila dahil nakikilala sila ng mga ito kahit medyo nagdisguise sila so that they wont be noticed.

"Dont you want something Japanese or Italian naman this time Devz?"-Quen

"Nagtanong pa kayo kung anong gusto ko eh magsasuggest din naman pala kayo ng iba."-asar na sabi ni Devz

"Uy si Quen lang ha.. I am pinoy na rin ako!" natatawa namang sabi ni Sam.

"Okay, sige na! Alangan namang ihiwalay ko ang sarili ko noh? Eh di hindi na ako nalibre pag nagkataon."-Quen

"Ikaw kya mgbabayad Bf."-Devon

"AKOO? Bat ganon? Yumbassador ang kasama natin dito Devz."-Quen

"Halina nga kayo.." at nauna na itong naglakad papunta sa Jollibee.

"Ano gusto niyo kainin?"-Sam

"I YUM!" Magkasabay na sabi ng dalawa saka nag-apir ang mga ito.

Friday, April 1, 2011

CHAPTER XVI

Its another Tuesdelicious DAY! At ngayong araw na ito magkikita na naman sila ni Sam, hindi niya alam kung paano niya ito pakikiharapan after what happened sa kanila.Devon doesnt want to hurt Sam but she has to choice. Hindi siya alam kung ano ang nararamdaman niya for Sam. OO, masaya siya pag kasama niya ito ngunit thats not enough reason para sabihin na mahal niya ang lalaki kasi ganon din ang saya na nararamdaman niya with QUEN and James.

"Uy Gf ano ka ba, ngayon ka lang ata na late. Dati rati ikaw ang early bird ah." salubong ni Elle sa kanya.

"Anong late? Hindi pa naman nagstart ah. Kinakabahan ako Elle." -Devon

"Bakit naman? Eh lagi namang hataw ang performance mo."-Elle

"Ano kasi eh.." -Devon

"Ano? May problema?"- sakto namang dumaan si Sam kung saan sila naroon. Dirediretso ito kung saan nasaan sina Quen.

"Gf may hindi ka sinasabi sa akin alam ko. MAy nangyari ba sa inyo ni Sam? Hindi siya ganyan dati."-Elle

"I dont know how to face him." -Devon

"Tell me what happened."-Elle

Hinila niya si Elle at pumunta sila sa gilid kung saan malayo ng kaunti sa mga kasamahan.

"Alam mo nong iniwan niyo kaming dalawa sa mall,masaya naman kami nong una. We enjoyed the day kaya nga hindi rin namin napansin ang oras non. Pero Elle kasi...kasi hindi ko inasahan ang mga sinabi niya sa akin. GF, mahal ako ni Sam."- mahina ang boses ni Devon, ayaw niyang may makarinig sa kanila lalo na ang mga staff doon. Pinipigil niyang huwag maluha dahil ayaw niyang mapansin ito ng mga kasama niya.

"And? Anong sabi mo?"-casual na tanong ni Elle sa kanya.

"GF ano ka ba. yan lang sasabihin mo? Hindi mo ba ako naintindihan?"- Devon

"I heard you at hindi ako nagulat. Devz, matagl ko ng alam na may gusto sayo si Sam. Ikaw lang kasi tong manhid. kaya hindi na rin ako nagtaka kung nagtapat man siya sayo. Its the best thing na dapat niyang gawin."-Elle

"Elle I hate seeing him sad..Hindi ako sure kung ano ang nararamdaman ko for him. Anong gagawin ko?"

"Atleast now Sam dont have to pretend and keep everything to himself. Talk to him ng maayos. Pag-usapan niyo dahil hindi pwedeng mag-iwasan kayo lagi. Halika na, punta na tayo don. Huwag mo siyang iwasan, be professional this time Devz. Ihiwalay mo ang personal na problema para hindi lalong magkaroon ng tensyon."-payo sa kanya ni Elle.

Naiintindihan niya ang sinabi ng kaibigan and she will try to act as if nothing happened.

Tinawag na sila ng direktor para sabihing in 5 minutes ay papasok na sila sa ere.

After 5 minutes ay pumasok na ang lahat from backstage. Lahat sila ay kasama sa kanilang opening number. 

Unang maghohost sina Quen at Robi kaya sila ang naiwan sa gitna ng stage. Magkatabi sina James at Devon, they have to kasi yon ang utos sa kanila bilang sila ang official loveteam. Si Sam naman ay pumunta sa tabi nina Elle at Auriette. Alam ni Elle ang pinagdadaanan ni Sam ng mga sandaling yon kaya binigyan niya ito ng isang matamis na ngiti at isang mabilis na hug.

COMMERCIAL BREAK:

Elle: Gf next na kayo.

Devon: Oo nga gf eh. wish me luck.

Auriette: Ano ka ab, ako nga hindi ganyan kakabado pag may dance prod, ikaw pa kaya na swagger princess kung tawagin nila. Sus naman devz, be confident!

Ngumiti si Devon sa kanila  saka nagyakapan ang tatlo.

5-4-3-2-1 SHOUTOUT!

Robi: Kung nakasanayan natin silang pinapakilig tao every Tuesdelicious episode, ngayon naman bibigyan tayo nina James and Devon ng isang hot na dance number. Kaya teenmates eto na sila...JAEVON!

James and Devon were dancing to the tune of Crawl. Sigawan ang mga devonairs and Jaevon fans na naroon. Pati ang kanilang teenmates ay tutok na tutok sa dalawa maliban kay Sam. Alam niya ang sayaw. Actually siya dapat ang partner ni Devon noon para sa kanilang GV promotion pero dahil sa conflict sa sched ay ipinalit si James dito. Sam is claiming the dance. Crawl is his and Devon's. Yun ang isip ni Sam ng mga sandaling yon.

Nang matapos ang number ay nag commercial break ulit sila. Sam immediately went at the backstage. Sumunod sa kanya si Quen.

Quen: Sam, may problema ka?

Sam: Wala bro. Kulang lang sa tulog. Galing pa kasi tayo taping eh.

Quen: Oo nga eh. Pero atleast ako kanina mas maaga ako napack up.

Devon: (sumunod pala ito kay Quen) Bf pwede mo ba akong....(Nakita niya si Sam na nakaupo sa isang upuan sa gilid.)

Quen: Ano yon Gf?

Devon: Ah pwede mo ba ako samahan mamaya sa Mall. Feel ko mag grocery today.

Quen: Yun lang. Sige, Sam sama ka sa amin ha.

Sam: Sige bro kayo na lang. I still have rehearsal for ASAP early morning tom. Gusto ko matulog ng maaga.

Quen: Ganon ba? Sige maiwan ko muna kayo, I have to host for the next segment.

Hindi naman sila required to be at the stage para sa kanilang next segment kaya hindi kailangang pumunta sina Devz and Sam. Sinadya ni Devon na huwag sumama kay Quen. She will talk to Sam. Hindi nya kaya ang sitwasyon nila. nagyon niya narerealize how important Sam in her life.

Sam: Humahataw ang number niyo kanina ah.

Devon: hmm, salamat. Siyempre hataw kasi ang tumulong sakin para masayaw yon. Ayaw kong ipahiya ka kaya sinubukan kong sabayan ang bawat galaw mo kaya ko nakuha pero hindi rin naman pala ikaw yong makakapartner ko. (Umupo si devz sa bakanteng chair sa tabi ni Sam.)

Sam: Yong schedule kasi..

Devon: Ah sam, tungkol sa nangyari..

Sam: No devz, huwag mo ng problemahin yon. I don't want you to be pressured.

Devon: Kasi, hindi ako nakakatulog ng di ka nakakausap.

Sam: Ano ka ba, Im perfectly fine. Wag mo akong intindihin.

Devon: Sam, mahal kita!

Sam: (hinarap si Devon..Nagulat siya sa sinabi ng dalaga.) Devz, you dont need to do this. Kung naaawa ka sa akin, dont!

Devon: Sam, mahal kita. Ngayon ko narealize kung bakit lagi akong masaya pag kasama ka, kung bakit nag-aalala ako pag wala ka pa. And I cant take seeing you suffering because of me.

Sam: Devon.. (Tumayo ang siya at nilapitan si Devz. Niyakap niya ang dalaga.) Hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya.I promise not to hurt you! I promise.

Devon: No Sam, hindi maiiwasan na may masaktan, magkakaroon at magkakaron ng problema and ang pinakamabuting gawin ay lagi nating pag-uusapan ang anumang magiging problema in the future.

Sam: salamat Devz. I love you so much!

Devon: Pero may favor akong hihilingin sayo, Pwede itago muna natin ang relasyon dahil alam nating pareho na madaming magiging problema pag lumabas ito. Your fans, fans namin ni James, I dont know how they'll gonna react.

Sam: I understand. Sige..

Devon: Tara balik tayo don. last segment na ata after ng commercial. (Magkasabay ang dalawa na pumunta sa stage at napansin ni Elle ang kakaibang aura ng mukha ng mga ito. Lumapit si Sam sa kanya at niyakap ng mahigpit si Elle saka bumulong ng THANK YOU)

After ng show, lumapit kay Devon ang handler nila ni James.

handler: Devz, have you seen James? Hindi na kasi bumalik.

Devon: Kanina ko pa nga po siya di nakikita.

Handler: Sinundan ka niya kanina sa backstage pero ng bumalik kayo ni Sam hindi naman niyo kasama.

Thursday, March 31, 2011

CHAPTER XV

"Devon?" mahinang sabi ni Sam habang diretso ang tingin sa kalsada..

"HmMm?? Bakit?" -devon

"Whats the real score between you and James?" diretsong tanong niya sa dalaga.

"Anong ibig mong sabihin? Are you asking kung may relasyon kami ni James?"-Devon

"Meron ba?"- Sam

"Bakit ba ganyan tinatanong mo? Wala no, James and I are good friends. Hindi showbiz answer. Bakit mo ba kasi natanong?"-Devon

"Wala, pansin ko kasi you were very close sa isat-isa."

"Alam naman ng buong pilipinas na si James ang pinakaunang naging friend ko since pumasok ako sa mundo niyo. I mean sa lalaki kasi siyempre andiyan din naman sina Fretz."

"Okay, Pasensya ka na kung ano anong tinatanong ko. Thank you so much Devz for making me happy today."-Sam

"Are you sure na happy ka nga? Para namang hindi ka nag-enjoy eh. May problema ka ba? Kasi para kang balisa this past few days."

"Siyempre nag-enjoy ako. Im enjoying every minute na kasama ka."-Sam

"Naks, si boss napaka cheesy! Touch naman ako niyan." Natetense na si Devon sa sinasabi ni Sam pero pilit pa rin siyang nagpapaka cool.

"Im telling the truth Devon." seryoso pa ring sabi ni Sam.

Hindi naman manhid si Devon. May mga pagkakataon na iniaasar ni Elle si Sam sa kanya ngunit hindi niya ito pinapansin. Hindi niya binibigyan ng malisya ang pagiging malapit nila ni Sam sa isat-isa pero tama nga yata ang kaibigan niya.

"Alam mo bilisan mo na lang ng kaunti ang magmaneho, masyado kasi atang mabagal. Baka gabihin ka na masyado niyan." Pag-iiba ni Devon dahil hindi niya nagugustuhan ang pinatutunguhan ng kanilang usapan.

"Thank you, atleast alam ko na kahit konti may malasakit ka din sa akin. Im so happy to know that you care Devon."- Sam

"Ano ka ba, you are my friend. Kung ano anong iniisip mo ha."-Devon

Nagulat si Devon dahil biglang huminto si Sam sa gilid ng kalsada.

"Sam bat ka huminto? Hindi pa naman dito ang bahay namin ah." -Devon

"I know Devon. You know what, Isa lang naman ang gusto kong mangyari, ang makasama ka ng matagal. Nayon lang Devz please." Sabi nito habang hindi inaalis ang mga mata sa mukha ni Devon.

"Sam ano bang sinasabi mo? Alam mo pagod at stress lang yan. Tara na, magdrive ka na ulit." Kalmado lang si Devon habang kausap si Sam. Alam niyang walang gagawing masama sa kanya ang lalaki. She trusts Sam so much kaya alam niyang hindi ito papayag na may mangyaring masama sa kanya.

"Hindi Devon, Ive been keeping this for a long time. Hindi mo alam kung gaano kahirap magtago ng nararamdaman mo sa isang tao, na hindi mo man lang masabi kung gaano mo siya kamahal."

"Sam"

"Mahal kita Devz, I love you.. matagal na." sa wakas ay nagawang aminin ni Sam ang damdamin niyang pilit itinatago sa babae.

"Sam, hindi tama to," -Devon

"Ano ang tama Devon? Tell me whats right? Mas hindi tamang itago ko na lang ang nararamdaman ko habang buhay. Nahihirapan na ako Devz. You dont know how I feel pag nakikita ko kayong dalawa ni James na magkasama sa isang sweet na production kahit alam kong loveteam kayo. I know wala akong karapatang masaktan o magselos pero I cant help it." Ngayon lang nakita ni Devon na umiyak si Sam ng ganon. Gusto niya itong yakapin ngunit may pumipigil sa utak niya na gawin yon. Nalilito siya, hindi niya alam kung anong gagawin ng mga oras na yon, hindi niya alam kung anong sasabihin niya sa lalaki.

"Sorry Devon, I didn't mean to ruin your night. Hindi mo kailangang sumagot. Importante lang sa akin na sabihin ko sayo kung ano ang nararamdaman ko. I don't want to pretend anymore that I'm okay when in fact I'm not." -Sam

"Sam, honestly nagulat ako sa mga sinabi mo. I appreciate it so much, pero hindi ako handa. I have set my priorities already. At ang pamilya ko yon. Gusto kong bigyan ng magandang buhay ang family ko at hindi ko yon magagawa kung uunahin ko ang pakikipagrelsyon. Im sorry Sam." Hindi makapaniwala si Devon na nagawa niyang sabihin ang mga bagay na yon kahit alam niyang masasaktan ang kanyang kaibigan, ngunit inisip niya rin ang sinabi sa kanila ng kanilang mga bosses. THEY HAVE TO TAKE CARE OF THEIR LOVETEAM.

"Devon I can wait. I'm not rushing you. Gusto ko lang.." hindi na siya pinatapos ni Devon sa pagsasalita.

"NO Sam, hindi ko gustong umasa ka. I want you to be happy, be free." Pagkatapos sabihin yon ay bumaba siya sa kotse ng binata saka sumakay sa isang paparating na taxi at doon ibinuhos ang lahat ng luha na kanina pa nagbabantang dumaloy.

"Im sorry Sam, Im so so sorry!" saka tuluyang napahagulgol at hindi inisip kung anong sasabihin ng driver ng taxi. Gsuto lang nyang iiyak lahat para pagdating sa kanilang bahay wala na. She has to be back to her old self again.