Tuesday, March 29, 2011

Chapter XIII

Chapter XIII

Its Wednesday afternoon at walang ginagawa si Devon. Wala silang workshops ngayon at wala ring rehearsals. Nababagot na siya dahil mahigit tatlong oras na siyang nanunuod ng tv. Tinetext niya si Fretzie kung free ang dalaga pero kasama daw nito ang pamilya kaya hindi na niya ito kinulit dahil alam niyang minsan lang mangyari na makabonding ni Fretz ang kanyang pamilya dahil busy na sila sa trabaho.

Napansin niya ang laptop niya na nasa ibabaw ng table. Kinuha niya yon. Nanuod siya ng mga music videos ni Justin Bieber sa youtube, everything about Justin Bieber ang drama ng dalaga sa mga oras na yon.. Natapos siya sa youtube ay naisip niyang bisitahin ang fanpage ng Jaevon ( www.fb.com/jaevonislove ). Walang facebook si devon kaya hindi siya makapagpost ng comments sa page, pero mahilig siyang magbasa ng mga updates don ng kanilang fans ni James. Natutuwa ang dalaga kung gaano ka supportive ng mga ito sa kanila. They know how to handle yong mga criticisms against Devon, hindi sila yong klase na nakikipagsagutan at away para ipagtanggol siya and she is very thankful dahil sa pagkakaroon ng ganong klaseng  supporters.

Natuwa si Devon ng may makita siyang pic ng buong tuesdelicious group. Pinagitnaan siya nina Sam at Elle habang si James ay nasa kabilang dulo. Iba ang saya sa mga mukha nila, siya ay nakatingin sa camera na ang sarap ng ngiti habang habang si Sam naman ay nakatingin sa mukha niya na parang may sinasabi.. Binasa ni Devon ang mga comments dito at theres one comment which caught her attention.

From Angel Bula : I admit maka JAEVON ako eversince pero seeing SAM and DEVON's chemistry on cam, grabe kinikilig ako! Hope they will have project together soon. SAMVON na ako ngayon. Goodvibes!

Madami naman siyang nabasa na comments na hindi nagustuhan ang comment ni Angel Bula pero si Devon hindi matapos tapos ang ngiti sa nalamang may natutuwa sa kanila ni Sam kahit wala naman silang ginagawa (project together).

She is about to shutdown her laptop ng biglang may tumatawag sa kanyang cellphone. Si Elle.

"Hello Elle."

"San ka? I know you have no work today, labas tayo. Im bored here." -Elle

"Ako nga din eh. Wala sina papa, ako lang mag-isa dito sa bahay buti tumawag ka." -Devon

"Sige bihis ka na, Im going to call Auriette." -Elle

"Wait, saan naman tayo?" -Devon

"Kahit saan, Im going to pick you up after an hour. Sige bye, see you later" -Elle

After 30 minutes nakabihis na si Devon. Kinuha niya ang kanyang IPHONE at nagtweet kay Elle.

"@xElleDeVera Im ready. San ka na? "

Maya-maya ay tiningnan niya kung may reply si Elle pero si Sam ang lumabas sa timeline niya, nagreply ito sa tweet niya.

SAM:
"@meDevonBinetez @xElleDeVera hey, where are you guys going? May lakad kayo ng di kayo nagyaya? Unfair!!"

Nakita niya na nagreply agad si Elle dito.

ELLE:
"@Sam_AC hey, its what we call girls bonding dude."

After ng ilang sandali biglang tumunog ang kanyang phone. Si SAM!

"Sam, napatawag ka.."-Devon

"Ang daya ha. Lalabas kayo ng di nag-aaya? Ang sama niyo naman." sabi nito sa kabilang linya na halatang sinasadya nitong magsalita in a sad mode.

"Diba nga girls bonding sabi ni Elle..(biglang may bumusina sa tapat nila), Wait lang noss i think Elle is here na."

Wait, dont end my call devz. Lets continue talking pag nakasakay ka na sa kotse."

Sinunod naman ni Devon ang sinabi ni Sam. Diretso siya sa loob ng kotse at tumabi kay Elle sa harapan tapos itinuloy ang pakikipag-usap kay Sam.

"GF sino kausap mo?" -curious na tanong sa kaniya ni Elle

"Ah si Sam, tampo daw kasi hindi natin ininvite. Boss, talk to Elle siya yong nag-invite eh." Pagkatapos ipinasa niya ang phone kay Elle.

"Hello Sam. Ano ka ba hindi ka naman namin pinipigilan kung talagang gusto mo sumama. Pero all girls kami."- Elle

"Its okay, I'm going to call Quen. So where to?" -Sam

"Hindi nga namin alam eh. Wala pa kaming plano. Susunduin pa namin ni Auriette baka may ma-suggest siya. Pareho lang kasi kami bored ni Devz kaya naisip namin lumabas." -Elle

"Skating in MOA, watcha think?"

"Hmm, thats a good idea. Wait, Devz ice skating suggestion ni Sam. Okay lang sayo? Here kausapin mo." nagpaalam kay sam pagkatapos ibalik kay devon ang phone nito para kausapin si Sam.

"Ano devz, gusto mo ba?"-Sam

"Ok lang sakin kahit saan. Basta libre niyo."-Devon

Natawa naman si Sam sa kabilang linya.

"Sige ba, sabihin mo sa akin mga gusto mo gawin, my treat!"-Sam

"Talaga? Wag na baka mamulubi ka. See you in MOA then. Bye." Saka nito pinindot ang end button ng phone.

"Iba ang napapansin ko kay Sam lately ha, siya ng nag-iinvite sa sarili niya maki-join samantalang sa mga nakaraan halata ang mga pag-iwas niya."-ELLE

"Pansin ko nga rin yon eh." tipid lang na sabi ng dalaga

"Hindi kaya gusto niya magpapogi points sayo?" sabi ni Elle na sinabayan ng kindat saka tumawa.

"Sira ka talaga! Bilisan mo na nga lang. BAka naiinip na si Auriette don."-Devon

"Hmm if I know excited ka lang na makita si Sam."- Hindi man pansin ni Devon ngunit si Elle sigurado na may gusto si Sam kay Devon and shes very happy for her friend. Alam niyang Sam is a nice guy, responsable ito at his young age kaya alam niyang hindi masasaktan si Devon kung sakali. Hindi naman sa ayaw ni Elle kay James for Devon pero para sa kanya malayo ang lamang ni Sam kung maturity ang pag-uusapan.

Hindi inaasahan ni Devon na tatawagan siya ni James kaya sobrang nagulat siya ng magring ang kanyang phone.

"James bakit ka napatawag?"-Devon

"Are you not doing something? Im going to ask you sana to accompany me to buy clothes." -James

"Im with Elle now, punta kami sa MOA, ice skating. YOu can meet us there na lang, saan ka nga ba mamimili?"-Devon

"Since sa MOA kayo then MOA na rin ako bumili. But you have to join me sa pagpili ok? So that I can ask for your opinion."-James

"Sure. Sige see you there."

Makalipas ng isang oras nakarating na rin ang tatlo sa MOA. Quen texted Devon na nasa starbucks daw ito kasama si Sam. "Ok, wait for us there." reply niya sa lalaki.

"Oh GF nasaan na daw si JAmes?"- Elle

"Ay, kasama rin natin si JAmes? Oh thats great para naman atleast 3 pairs tayo baka kasi ako ma OP pag nagkataon.. Alam ko namang Sam would gonna pick devon agaist me eh hindi rin ako marunong mag skate noh." natatawang sabi ni Auriette.

"Wait lang tatawagan ko." Kinuha niya ang phone sa loob ng kanyang bag and dialled james' number.

"Jaime asan ka na? Were here na."-Devon

"Parking my car. Stay where you are and wait for me." maawtoridad na sabi nito. Nagtext kasi si Auriette sa kanya before Devon called her. Tinanong din nito kung nasaan na siya at kung mauna daw ang lalaki na makarating pumunta siya sa starbucks dahil nandoon na sina Quen at Sam na naghihintay din.

Nang makita sila ni James dirediretso ito kay Devon at kinuha ang bag ng dalaga para siya daw ang magbitbit dito.

"Naks naman, kelan ka pa naging sweet James?" Auriette

Siniko ni Devz si Auriette at hindi naman ito nakaligtas sa paningin ni Jaime.

"Hey devz, theres nothing wrong on what Auriette has said. Actually just recently." nakangiting sabi nito.

STARBUCKS:

"Andito na pala sila oh." Turo ni Quen sa mga kaibigang paparating.

Sam immediately stood up at linapitan si Devon para batiin ng mapansin ang lalaki na nasa likuran nito. Biglang nawala ang kaninay matamis niyang ngiti. Again for the "nth" time, he was disappointed.

1 comment:

  1. kawawa nman c sam..hehe

    nxt n plz...tnx pla sa pg'upd8,.

    ReplyDelete