Masaya ang grupo ng hapong yon liban kay Sam pero hindi siya nagpahalata sa mga kasama. Pilit niyang tinatago ang selos na nararamdaman everytime nakikita niya sina Devon at James na nagtatawanan at habulan sa Ice skating rink. Napansin siya ni Elle at agad nilapitan ito.
"Oh, parang hindi ka ata masaya Sam. Diba nga kaw tong excited na sumama nong nalaman mo na may lakad kami." sabi ni Elle na nagkunwaring hindi alam ang rason kung bakit nagbago ang mood ng kaibigan.
"Ah, dont mind me Elle, may iniisip lang. Sige na enjoy yourself, tatawag lang ako sa bahay hindi kasi ako nakapagpaalam kay mommy."
"Wait, samahan na kita. Pagod na rin naman sa kaka skates."
Nagpaalam muna si Elle kay Quen at sinabi nitong sumunod na lang sila sa kanila ni Sam maya maya.
Hindi naman pwedeng maglakad-lakad ang dalawa dahil maraming mga tao ang tiyak na pagkakaguluhan sila kaya nagdesisyon silang pumunta na lang sa starbucks at don hintayin ang mga kaibigan.
"C'mon Sam i know may problema. Is it Devon?"-Elle
Nagulat si Sam sa biglang tanong ni Elle sa kaniya. Ganon na ba ako ka-obvious? tanong niya sa sarili. But how come Devon cant even notice that?
"Ano ka ba Elle, hindi ko maintindihan ang sinasabi mo. Im perfectly okay, stress lang siguro kaya ganito." pilit pa rin niyang pagdedeny sa kaibigan.
"You know what Sam, Alam kong hindi pa tayo ganon katagal na magkakilala. Hindi gaya ng friendship niyo nina Robi ang pagkakaibigan natin pero I just want to tell you na Im willing to listen to you. At alam ko na may problema, ilang beses ko ng napapansin yan." mahabang paliwanag ni Elle sa kaibigan.
Huminga ng malalim si Sam saka humarap kay Elle. Nginitian niya ang kaibigan saka pabulong na nag thank you dito..
"Its ok if youre not ready to talk about it yet, pero sana wag mong sarilinin ang problema ok?
"Elle, the first time I laid my eyes on Devon alam ko may iba na akong naramdaman for her. Call it corny pero thats what I felt. Mas lalong lumala nong dumating ang SHOUTOUT." huminto ito sa pagkukwento at tumingin sa kaibigan na matiyagang nakikinig.
"Sam hindi kasalanan ang magmahal. Honestly, matagl ko na ring alam na gusto mo si DEvon. Pero ngayon ko lang na confirm, at bilang kaibigan mo and bestfriend ni Devon, Im very happy sa nalaman ko. You deserve to be happy and so is Devon. Alam kong you are responsible enough to handle a relationship kaya alam kong hindi masasaktan si Devon."
"What are you trying to say? Na aminin ko kay Devon na gusto ko siya? Impossible Elle!"
"Baikit hindi?" Saka nito naisip si JAmes. Ang alam ni Elle James and Devon were just loveteam pero lately iba ang closeness ng dalawa.
"I know you are thinking about James. Honestly I dont have any idea kung ano ang nararamdaman ni James for Devz pero Im certain na wala silang relasyon sa ngayon." Mariin ang pagdiin ni Elle sa huling salitang binanggit.
Magsasalita pa sana si Sam ng nakita niya ang mga kaibigan na papasok.
"Kayo ha, bigla na lang kayong nang-iiwan. Hmmm, may something ba na hindi ko alam?' Auriette.
"Sira ka talaga. Napagod na rin kasi ako kanina kaya sumama na lang ako kay Sam. Oh wheres James GF? Akala ko sasamahan mo siyang mamili ng clothes niya." baling nito kay Devon.
"Yon nga sana kaso tumawag daddy niya. Hindi ko na tinanong kung bakit." Devon
Bigla namang inisip ni Elle na parang umaayon ang pagkakataon kay Sam. Napangiti siya saka tiningnan si Sam at nagtama ang kanilang paningin.
"Sus naman kayong dalawa ha, may mga ganyang tinginan na rin kayo..Naku talaga may sikreto sa atin ang dalawang to guys." Sabi ni Auriette kina Quen at Devon habang nakatingin kina Sam at Elle.
Natawa naman bigla sina Elle at Sam sa sinabi ng kanilang kaibigan.
"Bago kung ano ano pang maisip mo diyan Auriette, samahan mo na lang ako, babalikan ko yong nakita kong dress the other day. Sama ka na rin Quen kasi diba youre going to buy something for Javy?" sabi nito at hinila ang kanyang mga kaibigan.
"Hoy GF, paano kami? Iiwan niyo na lang kami dito ganon?"
"Elle ano ba, wala naman akong sinabing bibilhan ko si Javy ng something ah." Pinandilatan naman siya ni Elle saka niya naintindihan ang gustong mangyari ng kaibigan.
"GF samahan mo na lang si Sam diyan balik din kami agad." baling na rin ni Quen sa kaibigan. "Bro, take care of my GF ha." sabi niya kay Sam saka sila tuluyang umalis.
Nagtataka man ngunit wala na ring nagawa si Devon kundi umupo. Hindi naman niya pwedeng iwan na mag-isa si Sam doon.
"Sira talaga ang mga yon. So boss, hindi ka naman ata masaya ngayon."-Devon
"Actually masaya ako. You just dont know how happy I am today." -Sam
"Talaga? Halata nga eh. Ang saya mo na nagawa mo kaming iwan don para umupo dito." may himig pagtatampong sabi ni Devon.
"Nag-eenjoy naman kayo kahit wala ako don." -Sam
"Pero iba naman pag andon ka. Mas masaya pa sana. Pero ok lang yon, mukhang pagod ka nga kanina kasi matamlay ka the whole time eh. May masakit ba sayo? Gusto mo magpahinga na lang?" -Devon
"No, im okay. Im perfectly fine now! Gusto mo maglakad lakad muna?" Sam
"Ha, pano kung bumalik na sina Elle?"- Devon
"I'll text her na maghintay sila kung bumalik sila na wala pa tayo. Alam mo naman si Elle pag nagshopping ang tagal nun." -Sam
Tama si Sam, kahit isang shirt lang o isang bagay ang bibilhin ng kaibigan aabutin ito ng isang oras sa pagpili. Talagang tsinetsek nito ang bawat detalye ng bibilhin niya.
Masayang kasama si Sam, no dull moments ika nga. Hindi nila napansin na mag-iisang oras na pala sila nag-iikot. talagang sinulit ng binata ang oras nito kasama si Devon.
"Hala boss, nakalimutan natin tingnan ang time. Baka kanina pa nila tayo hinahanap. Tara balik na taoy don." Kinuha niya ang kamay ni Sam at hinila ito pero hindi siya aware na hanggang makarating sa starbucks ay hawak hawak pa rin niya ang kamay ng binata.
"Sorry, masakit na ba kamay mo?" saka agad nitong binitawan ang kamay ng binata.
"Of course not, ang sarap nga ng feeling ko eh." Sabi ng binata na abot-tenga ang ngiti.
Namula si Devon sa sinabing yon ni Sam.
"Bakit wla sila?" saka naman niya naisipang icheck ang kanyang phone baka nagtext ang mga ito.
2 Messages from Elle and Quen.
Elle: Sorry gf, nauna na kaming umuwi nila Auriette. I received Sam's text, sabi niya maglalakad-lakad muna kayo so sab ko baka nag-eenoy kayo kaya sabi ko itetext na lang kita pagdatng sa house.
Quen: Gf, pahatid ka na lang kay Sam. Im home na.
Nainis siya sa mga kaibigan sa ginawa ng mga ito sa kanila. Umalis sila ng di man lang nagpaalam.
"Oh anong sabi? -Sam
"Nakauwi na raw sila." malungkot na sabi ni Devon sa kaharap.
"Whaaat? Why did they not tell us?" kunwariy galit na sabi nito pero actually siya ang nakiusap lay Elle na mauna na silang umuwi.
"Sorry devz, hindi ko napansin ang oras."- patuloy pa ring pagkukunwari niya.
"Ano ka ba, its not your fault. nag enjoy rin naman ako eh kaya hindi ko rin napansin. Pero dapat tumawag naman sila."-Devon
Natutuwa si Sam habang tinitingnan ang reaksyon ng kaibigan. Ang cute kasi nito pag naiinis. Kahit ano namang mood ni Devon para kay Sam ay cute at maganda pa rin siyang tingnan.
"Oh, bat parang tuwang-tuwa ka naman na naiwan tayo dito?" -Devon
"Hindi naman, pero tuwang-tuwa akong tingnan ang mukha mo. Sigurado ka bang galit ka niyan? -pagbibiro ni Sam
"TSe, anong ibig mong sabihin? -Devon
"Kasi ang ganda mo pa rin. Mas mukha kang anghel kesa galit." -mahina at seryosong sabi ni Sam.
"Uwi na nga lang tayo. I'll just take a cab outside."
"NO, I wont allow that. I'll take you home."-Sam
"Sus, ano ka ba okay lang no."
"Devon Im serious. Napaka ungentleman ko naman kong papayagan kong umuwi kang mag-isa. Gabi na oh."-Sam
"Boss, okay lang ako. Nkakahiya naman sayo."-Devon
"Bakit kina Quen at James wala namang problema pag nakikisakay ka sa kanila? Bakit ako kelangan pa kitang pilitin? Buhatin na lang kaya kita from here hanggang sa marating natin ang kotse ko?" Hindi alam ni Devon kung galit ito sa kanyang reaksyon.
"Sorry, sige na. Sasakay na ako sa kotse mo."
No comments:
Post a Comment