Nag-insist si JAmes na ihatid si Devon sa bahay ng mga ito para makapaghanda sa commitment nila that night. 3:30 na ng hapon at 7pm they need to be at ABS para imeet sina Ivan at Tricia na kasama nilang pupunta don.
Busy si Devon sa pagbabasa ng mga tweets niya samantalang si James naman ay tahimik at nakatuon ang atensyon sa pagmamaneho.
“Ah, James hindi ba masama ang loob sa sinabi sa atin kanina?”
“Which one?”-James
“Yong sinabi sa atin na dapat magfocus tayo sa loveteam which means we will not be allowed to go on a date na iba ang kasama. I know its hard for you.”-Devon
“What are you saying? I agreed with it and I know theyre just thinking whats best for all of us. Wala namang problema don diba devz?” dumako ang tingin nito sa mukha niya.
“Ha, oo naman. Ikaw lang tong iniisip ko. Sa akin naman ok lang yon kasi career talaga ang prioritiesd ko ngayon. I want my family na maka experience ng maginhawang buhay. Ikaw kasi sanay na sa marangyang buhay kaya baka mag give up ka, I mean siyempre diba nakakasakal din na ako na lang lagi ang kasama mo sa lahat ng shows.”-mahinang paliwanag ni devon sa kanya.
Ano ka ba Devz, I just had realizations this past few days and I’m sure this is what I like to do. And kung bibigyan ako ng chance to choose kung sino talaga ang gusto ko maka loveteam, I would pick you!”-James
Hindi makapaniwala si Devon sa sinabing iyon ni James. Alam niyang very close ang lalaki sa kasama nila dati sa bahay ni kuya na si Ann, pero ramdam niya sinsero si James sa sinabi nito. Matagal na rin silang nagkasama at nagkatrabahong dalawa at alam niya kung kelan seryoso at hindi ang lalaki. He smiled and thanked James sa mga sinabi nito.
“Alam mo Devz gutom lang yan. Lets have early dinner first.”-James
“Pero James we should be at ABS at 7pm already.”-Devon
Mabilis lang devz. Lets eat first, We still have 3 hours..matagal pa yun.”-James
Pumayag na rin si Devon kaya huminto si James sa isang restaurant na kanilang nadaanan. Si James na ang nag-order para sa dalaga tutal alam na nito kung ano ang mga gustong pagkain ni Devon. Nang dumating ang kanilang food walang inaksayang sandali si Devon, kinuha agad ang kanyang pagkain at dire-diretso ito s pagsubo ng mapansin niya si James na nakangiti habang pinapanuod siya sa pagkain.
“May dumi ba ako sa mukha Jaime? Bat ka nangingiti diyan? Youre not even touching your food.”
“No devz, walang dumi..youre pretty actually. But don’t rush, dahan-dahan lang.” Sabi nito habang iniangat ang kamay at kinuha ang isang butil ng kanin na nasa gilid ng bibig ng dalaga.
Namula si Devon sa ginawa ni James at nahiya siya para sa kanilyang sarili.
“Sorry, nakakahiya sa iba, Nagmukha ba akong patay-gutom Jaime?-mahinang bulong nito kay James.
“Of course not. Actually I’m enjoying to watch you eat, that’s what I like about you, NO PRETENSIONS!. Sige kain ka na.”
Natahimik si Devon sa mga pinagsasabi ni James lately. Bigla na lang itong naging cheesy, bumabalik ang dating James na nakilala niya sa bahay ni kuya.
Nagulat si James ng tinawag ni James ang waiter at ipinabalot ang pagkain nitong hindi man lang ginalaw. Isa pa yun sa ipinagtaka niya kasi hindi gawain ni James ang magbalot ng pagkain pero ngayon biglang iba na.
“Bakit hindi mo man lang ginalaw ang food mo? Ikaw nagyayang kumain tapos hindi ka man lang sumubo kahit isa.”-Devon
“Kasi naman ang ganda ng pinanuod ko, nakalimutan ko tuloy kumain.”- nakangiti ito habang kinukuha ang pagkain na iniabot ng waiter.
Hindi alam ni Devon kung ilang beses siyang namula sa mga pinagsasabi ni James. Sanay siya na kinukulit noon ni James pero ngayon biglang naiilang siya. Seryoso kasi ang mukha ni James pag sinasabi ang mga bagay na yon.
“Here take this. Kainin mo sa house niyo pag nagutom ka mamaya. Don’t worry malinis yan.”-James saka nito inalalayan si Devon sa paglabas sa restaurant hanggang makapasok sa sasakyan.
Tinatahak na ulit nila ang daan patungo sa bahay nila Devz ng bigla niyang naisip na magbasa ulit ng tweets. Hindi talaga mahilig si Devon na magtweet pero nakagawian nitong magbasa sa timeline niya and mentions from her fans. Nakita niya ang tweet ni Elle. “Bonding with the teenmates, @meDEVONSERON hope youre here with us”. Nakita niya na RT ito ni Auriette and Quen. Nagreply naman siya dito, “I hope too guys, Next time I promise to be there”
“Natuloy pala ang lakad ng Tuesdelicious.” Nasabi na lang niya ng mahuli niya si James na nakatingin sa kanya.
“I see. You really want to go, I can see it in your face.”-James
“Siyempre naman, minsan minsan lang tayo nagkakasamang lumabas eh.”-Devon
“Yeah, and its Sam’s treat.” Seryosong sabi ni James. Alam ni James na gusto ni Sam si Devon. Hindi niya lang sigurado kung napapansin iyon ng dalaga. Pero ngayong seryoso na siya sa nararamdaman, hindi siya papayag na mawala sa kanya si Devon.
“Oo nga eh, sayang talaga. Bumabawi talaga siya sa mga hindi niya pagsama sa atin sa mga nakaraang lakad.” Tuwang-tuwang sabi ni Devon
Tiningna ni James si Devon habang nagsasalita ito. Para pa ring bata, sigurado siya walang alam si Devon sa feelings ni Sam for her.
“Thanks for the ride, Sige na ingat ka. Kitakits na lang sa ABS.” sabi ni Devon ng makababa sa hummer ni James.
“I’ll be here in an hour. I’ll pick you up.” Sabi ni James. 20 minutes drive lang ang house nila James mula sa kanila at uuwi lang siya para magshower saglit tapos balik na kina devon.
“Seryoso ka?” nakangiti namang tanong ni Devon sa kanya.
Tumango lang ang lalaki saka nito pinatakbo ang kanyang sasakyan para walang masayang na oras samantalang si Devon naman ay diretso na rin sa banyo para maligo.
After an hour dumating na si James, namangha ang lalaki sa ganda ni Devon sa mga oras na yon. James too looked gorgeous, para silang pupunta sa isang romantic dinner.
“Youre stunning my MM.”
"And you're striking DD"
nxt n plz..hehe
ReplyDeleteKilig sa last 2 lines :D
ReplyDelete