“Uy gf ano nangyari? What did they tell you guys?” sinalubong sila ni Elle habang nakasunod naman sa likod nito si Auriette.
“May mga pinaalala lang sa amin.” Sagot ni devon. Ayaw niyang pag-usapan pa nila yong nangyari.
“Oo nga pala, after ng rehearsal natin may labas daw tayo. Treat ni Sam.” Sabi naman ni Auriette na excited din sanang malaman kung ano ang sinabi sa dalawang kaibigan.
Tahimik lang si Devon sa sinabi ni Elle. Natuwa naman siya ng malaman na si Sam pa mismo ang nag-iinvite ngayon.
Talagang bumabawi ang lalaki sa mga lakad na wala siya.
“Uy devon, nangingiti ka diyan.. Anong iniisip mo?”-Auriette
“Ha? Sorry naman! May naalala lang. Hindi pala kami pwede ni James mamayang hapon. We’ll be going to attend a JS prom somewhere in Taguig.” Nanghihinayang na sabi ni Devon saka tumingin it okay James.
“Yeah guys. Maybe some other time.” Dagdag naman ni James sa sinabi ni Devon.
Nakita ni Devon si Sam na tumayo mula sa kinauupuan nila ni Quen at papunta sa direksyon nila. Nakangiti ang lalaki habang nakatingin sa kanya.
“Hey guys, kadarating niyo lang? So hows the meeting?”- Sam
“Okay lang naman.”-Devon
“Sam where’s Robi? I have something to ask him.” Tanong ni James dito.
“Lumabas lang saglit babalik din yon agad. By the way Elle sinabi niyo naba sa kanila na…?” hindi natapos ni Sam ang sasabihin dahil biglang sumagot si Devon.
“Were so sorry boss, hindi kami makakasama sa inyo. May schedule kasi kami ni James ng 7pm eh we need to go home pa, prepare and stuff..”-Devon
“Aw, sayang naman. But I understand. Trabaho muna.”- disappointed pero naiintindihan ni Sam na mas importante ang pupuntahan nila Devon. Heto na naman siya, umiral na naman ang wala sa lugar na pagseselos niya. Trabaho lang naman ang ginagawa nila, pilit niyang pinapaniwala ang sarili. Pero why do you care? Hindi mo Girlfriend si Devon para magselos ka sigaw naman ng kabilang bahagi ng kanyang utak.
Napansin ni Devon na parang malalim ang iniisip ni Sam kaya kinausap niya ito.
“Boss, huwag mong masyadong isipan yun, for sure mahal ka rin niya.” Pagkasabi non ay napatawa siya ng malakas at nahawa rin si Sam sa kanya.
“Sana nga Devon. Sana nga!”-Sam
Napansin ni James ang ibang mga titig ni Sam sa kanyang ka loveteam.
Sa isip ni James: Hindi ako papayag na masira ang loveteam namin ni Devon dahil sayo. Yes may pagkukulang ako ang I have mistakes on handling this loveteam but Now I have come to realized how important my career is to me and how important Devon in my life.
“Devon lets go, it’s our time to dance.” Sabay hila sa kamay ni Devon. Nagpasalamat si James dahil saktong sila na ang sasayaw kaya nagawa niyang ilayo ang dalaga kay Sam. Lalaki si James, he knows very well kung may hidden desire ang isang lalaki sa opposite sex.
“Sige, iwan muna namin kayo dito. Hindi naman kayo aalis dahil may group number tayo na dapat irehearse diba?”-Devon
Tumango si Elle sa kanila, ngumiti naman si Auriette habang sinusundan lang sila ng tingin ni Sam.
bitin..hehe
ReplyDeletetnx sa pg'upd8,.pro nxt n po plz..