Monday, April 4, 2011

Chapter 21

"GF, kanina ka pa tahimik ah." sabi ni Elle kay Devon habang nasa isang resto sila para mag dinner. Kanina pa kasi nagtsitsismisan sina Elle at Auriette pero hindi ata nakikinig si Devon, dati rati ay siya yong laging nag-uumpisa ng conversation, siya yong laging bangka pero iba siya ngayon.

"Oo nga naman Gf, Is there something wrong? Si James na naman ba?"- tanong ni Auriette sa kaibigan.

"Ha, ano ba kayo..Wala to noh. Saka gf bat ko naman poproblemahin si James?"- Devon

"Ay naku Devon, kahit BFF kayo ni Quen nagkukuwento rin naman siya sa amin tungkol sa mga nangyayari sa yo noh. He told us about what happened sa taping niyo." -Auriette

"Si Quen talaga." -Devon

"Hoy, anong si Quen talaga? Buti nga si Quen alam niyang dapat din naming malaman if may problema ka. IKaw hindi ka man lang mag share sa amin ni Elle."-Auriette

"Tama si Auriette. Devz, if there's something bothering you can tell us din naman eh. Tanggap naman namin ni Auriette na iba yong samahan niyo ni Quen kaso nakakatampo ka rin naman. Girlfriends tayo right?" -Elle

"Hay naku, alam niyo kayong dalawa napapraning lang kayo. Im really okay. Ayan na yong food, kain na tayo. Hindi maganda na pinaghihintay ang pagkain." -Devon

Wala ng nagawa pa ang dalawa niyang kaibigan kundi tumahimik na lang.

Ayaw pa halata ni Devon na bothered talaga siyapero kahit anong pilit niyang maging masigla sa pagkain ay hindi pa rin niya magawa. Nagalaw naman niya kahit papano ngunit hindi ganun ang devon na kilala nina Elle. Kasi pag lumalabas sila para kumain wala talagang tinitira ang dalaga. Nagkatinginan sina Elle at Auriette pero hindi sila nagsalita. Tinapos ng dalawa ang pagkain saka nag-aya si Elle na mag sleep over ang dalawa sa bahay nila. Pumayag agad si Auriette dahil nakuha niya kung anong gustong mangyari ni Elle samantalang si Devon ay tahimik lang ngunit hindi naman siya nag-disagree.

De Vera reidence:

Hinahanap ni Auriette ang "Tangled" na DVD para panuorin nila. Actually napanuod na nila yon sa sinehan pero hindi nagsasawa ang tatlo sa kapapanuod dito.

Si Elle naman na nakaupo sa sofa ay hindi na maiwasang tanungin si Devon.

"Angelique, c'mon spill it out. Wag mong sasabihin na okay ka dahil alam naming hindi." -seryoso ang mukha ni Elle habang nakatingin siya sa nakayuko namang si Devon. Si Auriette naman ay tumigil muna sa paghahanap at umupo sa tabi ni Devon na nakaupo sa kama ni Elle.

"Sige na Gf, Hindi naman namin kaya ni Elle na nakikita kang ganyan. Kapag nalulungkot ka, siyempre malungkot din kami." -Auriette

Doon na tuluyang inilabas ni Devon ang sama ng loob. Umiyak siya at hinayaan naman siya ng dalawa para maibuhos niya lahat saka nila ito kakausapin.

Nang mahimasmasan siya ay lumapit sa dalawa si Elle saka sila nag group hug.

"Thank you guys..for always being here." -Devon

"Devon, if its not James, I guess si Sam?"- tanong ni Elle sa kanya.

"Ha? Si Samuel? As in Samuel Angelo?" -OA ang pagkakasabi ni Auriette ngunit talagang gulat na gulat siya sa sinabi ni Elle.

"Hoy Auriette, hindi ka rin OA noh?" -Elle

"Kasi naman, tama ba narinig ko? You and Sam have..?" hindi na niya itinuloy ang sasabihin dahil nagsalita na rin si Devon.

"Tama kayo. And sorry if tinago ko sa inyo na.. na kami na ni Sam."-Devon

"Talaga Devz?" may excitement ang pagkakasabi ni Elle samantalang si Auriette ay wala talagang clue sa mga nangyayayari pero unti-unti niyang naiintindihan.

"Pero gf ang hirap eh. Wala pang 1 week since naging kami ngunit bakit ganito? Hindi ba pwedeng maging masaya lang?" -unti-unting dumadaloy na naman ang mga luha ng dalaga.

"Bakit? Hindi ka ba masaya sa kanya? Sinasaktan ka ni Sam?"- Elle

"No..Hindi talaga. I can feel his concern, his love..pero ang daming kulang, ang daming bawal." -Devon

"Alam ko ang ibig mong sabihin Devon. Alam ko rin na marami ka pang gustong marating dito sa showbiz. Alam na ba ni James?"-Elle

"I guess so. Wala akong sinabi sa kanya pero ang alam ko nakita niya kami ni Sam the time na sinagot ko siya." -Devon

"Ngayon malinaw na sa akin. Nagselos si James kaya hinid naging maganda ang pakikitungo niya sa after that." -Auriette

"Pero GF, mahal mo ba si Sam?" -Elle

Matagal na katahimikan bago ulit nagsalita ang dalaga.

"Mahal..ngayon hindi na ako sigurado, pero one thing is for sure, I love my career." -Devon

"Devon, hindi pwede yan. Hindi pwede na hindi ka sigurado. Its unfair for Sam." -Auriette

"Alam ko..Alam ko naman yon eh, kaya nga naguguluhan ako, Lalo na kanina parang may nakakita sa amin ni Sam. I dont know what to do pag lumabas to, Ayaw kong masira ang naumpisahan ko ng career." -Devon

"So anong plano mo ngayon? Kasi honestly kay Sam ako naaawa hindi sayo." -Elle

Cruz residence:

"Brahw bat bigla bigla ka naman atang nagyaya dito sa bahay niyo." Sabi ni Arron habang nasa gilid sila ng pool may hawak hawak na tig-isang beer ang mga ito.

"Alam niyo naman yan, full of surprises. Anong okasyon?" sabi ni Quen na umupo sa tabi ni Sam.

"Gago, wala. Bawal ba mag-enjoy paminsan-minsan?" -Sam

Si Robi naman na alam ang pinagdadaanan ng kaibigan ay hindi nakatiis at nagsalita na rin.

"Sam alam mo ilabas mo lang yan. Hindi isang kahinaan sa lalaki ang umiyak." sabay inom ng beer na hawak.

Tiningnan naman ni Quen at Arron si Robi.

"BAkit ganon?" -Sam

"Alam mo brahw, matagal ka na dito sa industry and I know na alam mo kung anong klaseng buhay meron tayo dito. Na minsan kahit wala ng mga camera na nakatutok ay kelangan pa rin nating umarte." -Robi

"Ayaw kong intindihin ang mga rason nila. Ang babaw brahw, ang babaw." -Sam

"Devon is a newbie in the industry. Ikaw may narating ka na both singing and acting career mo. You should understand na malakas ang loveteam nina James and DEvon, ang daming JAEVON fans ang magagalit or magbaback out ng support pag lumabas ang tungkol sa inyo ni Devz."-Robi

"Wait, wait lang guys.. Naririnig ko kasi ang pangalan ni GF. Just to make it clear, Sam kayo ni Devon?" -hindi makapaniwalang tanong ni Quen sa kaibigan.

"See even sa BFF ni Devon ay hindi niya sinasabi ang tungkol sa inyo. Talagang pinapahalagahan niya ang inumpisahan nila ni James." -Robi

"What the hell! I dont care sa mga sinasabi ng mga unreasonable fans." -galit na sabi ni Sam

"Look Sam, were not saying that the JAEVONS were like that, pero hindi talaga maiiwasan ang ibang fans na mag-react negatively." -Arron

"Alam mo brahw, sa totoo lang nagulat ako sa narinig ko ngayon. You know how I love my bestfriend so much, isa lang ang gusto ko, for her to be happy." -sabi ni Quen.

"Sa nakikita ko, I dont think they are." -sabi ni Arron sa tatlo.

"Kung talagang mahal mo si Devz, kakayanin mo ang mga ito. Kung talagang mahal niyo ang isat-isa dapat kayanin niyo. Panindigan nyo ang pinasok niyo. Balikan niyo ang mga priorities niyo, Nauna ba ang lovelife don? Kasi dapat alam ng bawat isa sa inyo ang sari-sarili nyong priorities para hindi lalong magkaron ng problema."- Robi

Ringgggg-Ringggggg-Ringgg

No comments:

Post a Comment