Tuesdelicious Rehearsals: Napansi ni Devon ang pananahimik ni Sam. Hindi pa sila nagkakausap dalawa since inihatid siya nito dalawang araw na ang nakakaraan.
"Uhm boss, problema?" sabi niya ng makalapit dito. Hindi naman niya kailangang iwasan ang binata dahil alam ng lahat na close na silang dalawa dati pero hindi aware ang mga ito sa totoong relasyon ng dalawa maliban kay James at kay Elle na may alam din pero hindi alam ng dalaga na sila na.
"Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko noong nakaraang araw?"-Sam
"Ah, sorry. Nkatulog kasi ako that time sa biyahe. Nakita ko na lang noong nasa house na ako." -Devon
"Im trying to call you that time para sabihing dadaan ako para sunduin ka. Nakailang tawag ako ah." -Hindi pa rin siya tinitingnan ni Sam.
"Sorry talaga. I promise it wont happen again. Saka hinatid din naman ako ni.." hindi tinapos ng dalaga ang sasabihin niya.
"Ni James." dugtong ni Sam dito.
"Oo nagmagandang loob siya na ihatid ako hanggang sa bahay since madadaanan naman niya." -tanging nasabi na lang ni Devon.
"Okay, sige puntahan mo na siya. Kailangan niyong magrehearse for your number ni James." -pagtataboy niya sa dalaga.
"Sam.." -ayaw umalis ng dalaga sa tabi niya hanggang hindi sila nagiging ok.
"Devz, its okay. Dont worry I understand. I'll try to understand because I love you." -bulong niya dito.
Kahit papano nakampante siya sa sinabi ng kasintahan.
"Thank you." -sabi niya saka iniwan si Sam.
"Nahihirapan ka na ba brahw?" biglang sulpot ni Robi mula sa kanyang likuran.
Hindi niya sinagot ang kaibigan. Sa lahat kasi ng mga kaibigan niya, si Robi ang labis niyang pinagkakatiwalaan. Alam ni Robi ang tungkol sa kanilang dalawa ni Devz. Sinabi din niya dito ang tungkol sa mga naging kasunduan nilang dalawa, ang itago muna ang kanilang relasyon.
"I know its hard. Pero ganyan talaga. Hindi mo mararamdaman ang saya later on kung hindi kayo dadaan sa trials. I hope kaya niyong ihandle ni devz ang mga ito." -Robi
"Ewan ko brahw. Im trying my best to be professional pero nahihirapan pa rin ako. Siguro hindi nga ako ganon kagaling pa sa larangang ito dahil marami pang mga bagay ang hindi ko matanggap."-Sam
"Mukhang seryosong usapan to mga brahws." Sabi ni Arron na bagong dating lang.
"Kanina ka pa hinahanap ni Elle, galit!" sabi naman ni Quen kay Arron na lumapit na rin nong makita niya ang tatlo na magkakasama.
"Bakit? Ano kailangan niya? What did I do?" kinakabahang sabi ni Arron
"Joke! Kaw naman di ka mabiro. Ang seryoso kasi ng mukha ng dalawang to eh." saka tinuro sina Sam at Robi.
"Sa bahay kayo matulog tonight ha." sabi ni Sam saka tumayo dahil tinawag siya ng kanyang mommy.
Nagtataka man si Quen sa biglang pag invite ni Sam ngunit hindi na siya nagtanong pa.
Natapos ang kanilang rehearsal ng di man lang nagkakausap sina Sam and Devon. Sinubukan ni Devon na humanap ng chance para kausapin ang kanyang boyfriend pero hindi niya magawa dahil laging nasa tabi nito si James.
Si Sam naman ay hindi na nag-effort pa na lapitan si Devon dahil alam niyang hindi rin naman niya ito makakausap ng maayos dahil bantay-sarado sa kanya si James. Hindi na rin niya nakita ang dalaga ng bumalik siya galing sa kanilang dressing room.
Dumaan si Sam sa loop ng ABS dahil naghihintay sa kanya ang kanyang mommy doon ng mapansin niya si Devon. Hindi siya pwede magkamali kahit nakatalikod ang dalaga. Alam na alam niya likod pa lang nito. She is weariing a bare-back drape blouse. Hindi yon ang suot niya sa rehearsal kanina pero hindi siya maaaring magkamali na ang girlfriend niya yon.
Lumapit siya dito.
"Waiting for someone?" tanong niya na ikinagulat ng dalaga at napatalikod ito para harapin siya.
"Sam kaw pala. Hinahanap kita kanina pero nawala ka. I thought umuwi ka na."-Devon
"Why did you not text me?"-Sam
"Hindi ko naisip."-kaswal ang pag-uusap ng dalawa, kahit sino hinid mag-iisip na may relasyong namamagitan sa kanila.
"So bakit ka pa nandito? Hindi ka ba ihahatid ni James ngayon?" Tanong ni Sam sa kanya. Hindi niya tuloy alam kung nagseselos ang kanyang boyfriend dahil napaka casual lang nitong magsalita.
"Naunang umalis kasi may event silang pupuntahan nina IVAn." sabi niya
"I see. So who are you waiting for?"-Sam
"Ah sina Elle. Lalabas daw kami. Tagal nga ng dalawang yon kanina pa ako andito." -Devon
Tahimik nang dalawa ng biglang may grupo ng mga kababaihang lumapit sa kanila.
"Hello Devon, Ang ganda mo talaga. And bagay kayo ni Sam." sabi ng unang babaeng nakalapit sa kanila.
Ngumiti lang si Devon sa sinabi nito.
"We are samvon supporters. Pwede bang makakuha ng pic niyo together?"-sabi ng isa pa.
"Sure." -sabi ni Devon saka nagsmile sa camera. Si Sam naman ay nakangiti na rin. Inilapit niya ang katawan kay Devon saka umakbay dito. Ngayon lang niya nagawa yon, Mag bf-gf sila pero yon ang mga bagay na hindi nila nagagawa.
"Thank you so much Sam and Devon. Sana you will stay as humble as you are. And excited na kami for goodvibes." -sabi ulit ng isang babae.
"Salamat po. Kami rin excited for it." sabi naman ni Sam sa mga ito
"Sana maraming samvon moments doon." dagdag ng isa pa.
Natahimik ang dalawa dahil alam nilang wla silang masyadong eksenang dalawa doon dahil si James and Quen ang laging kaeksena ng dalaga, siya naman ay sina Lyn at Yeng naman, ang dalawa pang kasamahan nila sa GV.
"Hey devz, sam.. Sorry GF natagalan kami. Tong si AUriette kasi ang bagal kumilos, Dami nong mga kausap niyo kanina ah. SAmSTERS o DEVONAIRS?" tanong ni Elle sa kanila
"BOTH!" sagot naman sa kanya ni Sam
"Samvon?" tanong naman ni Auriette.
"Yes, the samvon bubbles." Proud na sabi ni Sam sa dalawa.
"Imagine that..ang bilis dumami ah. Parang kelan lang JAEVON ang laging nandito. Im a fan of Samvon too from now on!" sabi naman ni Elle.
"Haha, Elle talaga oh. Alis na ba tayo?" tanong ni Devon sa kaibigan.
"Kaw Sam? You want to come with us?" tanong ni Auriette dito.
"No, sige kayo na lang. Kasama ko si mommy eh. tsaka may bonding din kami with my gigger mates mamaya." sabi niya sa tatlong dalaga.
"OKay, tara na Auriette, sunod na lang si Devon. LIka na bilis." sabi ni Elle habang hinihila ang kamay ni Auriette. Gusto niyang bigyan ng privacy ang dalawa niyang kaibigan para makapag-usap kahit sandali man lang.
"So pano, kitakits na lang sa studio bukas?" sabi ni Devon sa kanya.
"Ano pa nga ba."-Sam
Hinila ni Sam ang kamay ni Devon at dinala niya ito sa area kung saan walang masyadong makakapansin sa kanila.
"Sam, baka may makakita sa atin." sabi ni Devon na pilit hinihila ang kamay mula kay Sam dahil natatakot siyang may taong makakita sa kanila.
Agad siyang niyakap ng binata. Saka hingod nito ang mahaba niyang buhok.
"Devon kahit sandali lang please. Sandaling-sandali lang." sabi niya na lalong hinigpitan ang pagkakayakap dito.
Ang hindi napansin ng dalawa ay may isang tao na nakakuha sa nangyari. Kumalas na si Sam sa pagkakayakap kay Devon ng napansin ng dalaga ang isang taong biglang tumakbo palayo. Bigla siyang kinabahan.
"Sam, may tao kanina. Sabi ko na nga ba hindi tayo dapat nag-uusap pag nasa public place tayo."-Devon
"And what do you want us to do devon? Tayo naman diba? Hindi naman yata tama na hinid tayo mag-usap." -madiing sabi ni Sam
"Pero hinid natin alam kung sino ang mga taong maaaring makakita sa atin." sabi ni Devon sa kanya
"The hell I care about them Devon." sumigaw na si Sam, buti na lang malayo ang mga tao sa kanila.
"Ikaw wala.. Wala kang pakialam sa kanila pero ako meron. Dahil konting mali ko lang, mawawala na lahat! Marami akong gustong mangyari sa buhay ko Sam." hindi na napigilan ni Devon ang ilang butil ng luha na tumulo mula sa kanyang mga mata.
Napansin naman ni Sam iyon. Naaawa siya kay Devon, pero mas lalong naaawa siya para sa kanyang sarili. Hindi niya alam kung anong mangyayari sa kanya pag mawala si Devon sa buhay niya, at ayaw niyang isipin ang mga bagay na yon. Galit siya! Galit na galit sa mga taong pumipigil sa kanilang gawin ang mga bagay na nagpapasaya sa kanila.
Kinalma ni Sam ang sarili saka niya niyakap ulit ang dalaga.
"Im sorry. Im so so sorry!" -Sam
No comments:
Post a Comment