Sunday, April 3, 2011

Chapter XVII

"James pick up..pick up please.." bulong ni Devon habang tinatawagan ang number ng kanyang ka LT.

"Oh ano Devz, sinagot ka ba? Saan na daw siya?" tanong sa kanya ng handler na kanina pa nag-aalala sa kanya.

"Wala nga po eh.. Hindi pa po niya sinasagot ang tawag.

"Saan na kaya nagpunta yon. Hindi siya dapat gigimik ngayong gabi kasi you have an early call time tomorrow for the GV taping. Kahit kailan talaga pinapasakit niyong dalawa ang ulo namin.

"Sorry po ate, I'll try to contact pa rin po siya. Dont worry we wont be late tom."-Devon

"Dapat lang, kasi pag na late kayo ewan ko na lang kung anong mangyayari sa career niyo. We keep on reminding both of you kung ano ang mga dapat niyong gawin. I dont know if you really want to excel in this career or not,. " Mahabang seremonyas na naman ng kanilang handler. Ganito lagi ang mga ito, Their manager and their handler keep on  reminding them kung ano ang makabubuti sa kanilang careers. Palibhasa marami talagang alam ang mga ito dahil matagal na silang nagtatrabaho sa mundong ginagalawan nila ngayon.

"Sige ate, Asahan niyong maaga kami ni James bukas."-Devon

Nakaalis na ang handler niya ng lapitan siya ni Quen.

"Uy gf.. lalim ng iniisip ah."- Quen

"Si James kasi, hindi sinasagot ang phone."- Devon

"UY, concern ka sa kanya? Hmm bakit? Wag mong alalahanin yon, malaki na siya."-Quen

Alam naman niya yon na alam ni James ang kanyang ginagawa pero hindi naman siya ganon kamanhid para hindi malaman na nasaktan si James sa kanyang nakita. Sigurado si Devon na nakita sila ni Jams kanina kaya hindi niya maiwasang mag-alala.

"Remind ko lang sana kasi siya about sa taping natin tomorrow. Maaga calltime naming dalawa eh."-Devon

"I see.. itext mo na lang siya. Sigurado mababasa naman niya yan. So tara na?"-Quen

"Ay oo nga pala muntik ko ng makalimutan. Yeah sige.."-Devon

"Ehemmmm..."

"Oh Sam, what are you still doing here? I thought you will go home after S.O?"-Quen

"Tumawag kasi si mommy, umalis daw sila ni kuya kaya if I'll go home wala rin akong madaratnan sa house. Kaya baka pwedeng sumama?" Nakangiti siya habang nakatingin kay Devon

"Siyempre naman. Tara na."-Devon

Masaya ang tatlo sa paggrocery. Isang oras yata sila naglibot sa department store at ng mapagod ay nagdecide silang magdinner muna bago sila umuwi. Pinapili ng dalawa si Devon kung saan nito gustong kumain.

"I am pinoy!"-malakas na sigaw niya kaya ilan sa mga taong nasa paligid nila ay napatingin. Actually napapatingin din naman talaga halos lahat ng dumadaan sa kanila dahil nakikilala sila ng mga ito kahit medyo nagdisguise sila so that they wont be noticed.

"Dont you want something Japanese or Italian naman this time Devz?"-Quen

"Nagtanong pa kayo kung anong gusto ko eh magsasuggest din naman pala kayo ng iba."-asar na sabi ni Devz

"Uy si Quen lang ha.. I am pinoy na rin ako!" natatawa namang sabi ni Sam.

"Okay, sige na! Alangan namang ihiwalay ko ang sarili ko noh? Eh di hindi na ako nalibre pag nagkataon."-Quen

"Ikaw kya mgbabayad Bf."-Devon

"AKOO? Bat ganon? Yumbassador ang kasama natin dito Devz."-Quen

"Halina nga kayo.." at nauna na itong naglakad papunta sa Jollibee.

"Ano gusto niyo kainin?"-Sam

"I YUM!" Magkasabay na sabi ng dalawa saka nag-apir ang mga ito.

No comments:

Post a Comment