GV Taping: Maagang pumunta si Devon sa location dahil ayaw niyang magalit masabihan na may attitude problem siya and anything. Laking gulat niya ng makita niya si James na nauna pang dumating sa kanya. Kung dati rati ay agad siyang sinasalubong ng lalaki ngayon ay iba ang nangyari. Hindi man lang tumayo si James sa kinauupuan nito. Abala ito sa pagbabasa ng kanyang script. Agad namang lumapit sa kanya ang kanyang manager na naroon din.
"OH Devon, Im glad na maaga kayong dalawa ni James. So ready ka na? I guess youve read your script naman bago pumunta dito."-manager Bing
"Yes po. I'll try to do my best para di naman po mapahiya."-Devon
"Thats what I like about you and James. Pasensya na kung minsan napapagalitan namin kayo. Gusto naming may marating kayo dito sa industriya kaya namin ginagawa lahat to." Sabi ng kanyang manager na naunang naglakad palapit sa upuan kung saan malapit kay James.
"Alam naman po namin yon. Don't worry tita gagawin po namin ni James ang best namin sa lahat." -saka ito umupo sa tabi ni James.
Tumango lang si James sa narinig niyang sinabi ni Devon saka ulit binalik ang mga mata sa binabasa.
"Oh siya sige maiwan ko na kayo. I have a meeting to attend mamayang 8. Goodluck mga anak." Saka ito nagbeso sa dalawa bago umalis.
KATAHIMIKAN!
Hindi nakatiis si Devon sa katahimikang namamagitan sa kanila ni JAmes kaya siya na ang bumasag non.
"James, is there a problem?" tanong niya sa lalaki.
"I dont have any problem, baka ikaw meron?" tipid na sagot nito.
"Hindi kasi ako sanay na tahimik ka. Baka lang may nagawa akong hindi mo nagustuhan." Alam ni Devon na ang relasyon nila ni Sam ang dahilan ngunit nagmaang maangan ang dalaga. Nagkunwari siyang hindi siya aware na nakita sila ni James. She want James to tell her exactly what his problem is.
"Dont worry Devon, Gagawin ko ang trabaho ko, natin! And if may personal na problema ako, I assure you hindi ito makaaapekto sa work natin." -ngayon ay nakatitig ito sa kanya ngunit wala kang mababasang emosyon sa kanyang mga mata. Hindi matagalan ni Devon ang mga titig na yon ni James kaya siya ang nagbaba ng tingin.
"Ah excuse lang James ha, pa make up ako." -paalam niya dito.Buti na lang nakahanap siya ng palusot kundi hindi niya alam kung paano ito pakikitunguhan. Pero alam niyang kung ganito lagi ang pakikitungo ni JAmes sa kanya ay magkakaroon at magkakaron sila ng problema sa trabaho. Kung kaya ni James na gampanan ang kanyang role ng maayos, siya ay hindi niya alam,. Hindi niya alam kung kakayanin niyang magkunwaring masaya kahit alam na alam niyang hindi sila okay ni James. BAbae si Devon, very sentimental, very emotional.
Ito ang unang pagkakataon na magkakaeksena ang dalawa sa show nila. Kung dati excited siya sa scene nila ni James ngayon ay kabaliktaran ang nangyayari.
"I know something's not right."
"Quen, andyan ka pala. Hindi kita napansin kanina." sabi ni Devz sa kanyang bf na tingin niya ay kadarating lang dahil hinid niya napansin kaninang dumating siya.
"Actually nauna pa ako sayo GF. Youre too preoccupied para maisip pa ako."may himig pagtatampong sabi nito.
"Aba at nagdrama? Alam mo magaling kang artista pero hindi bagay sayo ang magdrama sa totoong buhay. Paano kaya nagagawang ng kamera na ibagay sayo kung may drama scene ka." sabi ni Devon sa kaibigan.
"Ganon? Pero Gf, matanong nga kita. May problem ba kayo ni James?" -tanong ni Quen habang nakatingin sa direksyon ni JAmes.
"Wala ano ka ba. Wala lang siguro yan sa mood."- pagsisinungaling ni Devon.
"Okay, sabi mo eh. Nakakapanibago lang. Sige sunod ka na ha, tayo na ang kukunan ng eksena." sabi nito saka naunang lumapit sa knailang direktor.
----------
"CUT." sigaw ng kanilang direktor. Tapos na ang eksena nila ni Quen at sila naman ngayon ni James ang kinukunan.
"What is wrong with you Devon? OKay ka naman kanina ah.. Nakailang takes na tayo hindi mo pa rin magawa ng maayos. James, will you talk to your partner bago pa tuluyang sumabog ang ulo ko." Sabi nito saka tuluyang tinalikuran silang dalawa. Si Quen naman ay nag-aalala para sa kanyang kaibigan. Nagawa naman nilang maayos kanina yong eksena nilang dalawa. Lumapit siya kina James at Devon.
"Guys, I know may problema. Brahw, you need to talk about it before lumaki. GF, focus! Sige maiwan ko muna kayo para makapag-usap kayo ng maayos."-Quen.
Naglakad si James, sumunod siya rito.
"Sorry, alam kung nadamay ka pa sa galit ni direk dahil sa akin." Devon
"Devon, tama si Quen youre just losing focus. Kung ang pagiging cold ko ang reason, devz dont mind me. May iniisip lang akong mga bagay. Look I'm sorry okay?"-humarap si JAmes sa kanya.
"Galit ka ba sa akin?"-Devon
"Bakit dapat ba akong magalit sayo? Devon I have no reason to get mad at you. I dont want to see you sad." -hindi na kaya ni James na tiisin si Devon kaya kahit masakit para sa kanya ang nakita at narinig kailangan niyang tanggapin.
"Talaga? Bati na tayo?"-naluluha si Devon habang nagsasalita.
"Come here." hinawakan niya ang kamay ng dalaga at niyakap ito. Gustong gusto ni James na huwag ng bitawan ang dalaga sa kanyang pagkakayakap pero alam niyang mali.
"Halika na, tayo na ang tumawag kay direk para hindio siya lalong magalit sa atin." yaya ni Devon kay James.
-----------------------
"Cuttt..Very good! Excellent take. Congrats Devon." nakangiting sabi ng direktor sa kanya.
"Thank you direk."- Devon
"Galing mo don GF ah. Pang best comedy actress ang drama mo kanina." may pagka OA na sabi ni Quen ng lumapit sa kanya.
"Comedy tapos drama?" tanong naman niya kay Quen.
"Ay, GF naman..may pagka-slow?"-Quen
Sabay namang natawa sina James at Devon sa sinabi ni Quen. Naintindihan naman ni Dewvon si Quen, gusto lang niya itong asarin.
"GF, hatid na kita mamaya sa inyo." -Quen
"Hmm Quen, is it okay if ako na ang maghatid kay Devz later?" hindi inasahan ni Devon na sasabihin ni James yon.
"Oh sige. Pero kain muna tayo, maraming dinalang food ang mga tropa natin Devz." ang tinutukoy ni Quen ay ang fans nila ni Devon na tinatawag nilang Tropang Devquen. Marami kasi ang nakapansin sa pagiging malapit nina Devon and Quen kaya din nagkaroon ng fanbase ang friendship team up nila.
Pagkatapos nilang kumain ay nagpaalam na si Quen sa kanila.
"So pano, una na ako sa inyo. Bye GF, brahw."
"INgat ka."sabi ni Devz dito.
"Tara?" tanong naman sa kanya ni James.
"James, thank you." sabi ni Devon habang sakay na sila sa hummer ni James.
"For what?"-kaswal na tanong ng lalaki.
"Kasi bati na tayo."-Devon
"Hindi naman tayo nag-away ah." sabi nito.
"Basta, thank you."-Devon
"OKay. Thank you too.. thank you for coming into my life and for making me happy, for..for being.. a good friend." sabi ni James.
Ngumiti si Devon sa kanya. Oh how he misses those smiles. "Kung pwede lang na agawin kita sa kanya..devon gagawin ko. But I know youre happy with him. Pero sana wag mo akong bawalan na mahalin ka pa rin." Yon ang mga salitang tumatakbo sa isip ni James ng mga sandaling yon. Kaya ayaw niyang kompirmahin sa kanya ni Devon na sila na dahil kapag nangyari yon mas lalong mawawalan siya ng karapatan sa dalaga.
*SIGH*
Napansin niyang naidlip pala ang dalaga ng biglang tumunog ang phone nito. Tingin niya ay malalim ang pagkakatulog ng dalaga kaya kinuha niya ang phone nito na nasa bag at tiningnan kung sino ang tumatawag sa dalaga. Dati na niya yong ginagawa, pag nakakatulog ang dalaga, pinakikialaman niya ang laman ng bag nito pero sinasabi din sa kanya pagkagising niya.
"BEBS calling."
No comments:
Post a Comment