Patapos ng kumain ang tatlo ng tumawag ang mommy ni Quen.
"Excuse lang guys. Si mommy."- saka nito sinagot ang phone.
"Hello mum." -Quen
"Quen saan ka? Can you come home now kasi Javy and I are going to attend your tita Miel's party. Lizzie dont want to come with us. She said uuwi ka rin naman daw early ngayon kaya may kasama pa din siya. I dont want to leave naman na mag-isa si Liz dito. Yaya is sick kaya pinauwi ko din kaninang tanghali sa kanila." Sabi ng mama niya sa kabilang linya
"Okay mum, paalam lang ako kina Devz din diretso na ako dyan."-Quen
"Okay son, and say hello to Devon for me. Bye."-Quen's Mum
"Ano sabi ni tita?" sabi ni Devon habang nakatingin sa kaibigan.
"Sorry gf pero I have to go na. Walang kasama maiiwan si Lizzie sa bahay. Ah, Sam pwede ikaw muna maghatid kay Devon? Sorry gf, Its good thing that Sam joined us pala."-Quen
"Ano ka ba, okay lang yon. Sige go na baka hinihintay ka na nila. Kiss lil Lizzie for me."- Devon
"Sige guys." Nagbeso ito kay Devz pagkatapos tinapik ang shoulder ni Sam.
Tahimik ang dalawa ng makaalis si Quen. Kanina lang sila naging magkasintahan ni Sam kaya ilang pa rin ang dalaga.
"Ah, bebz gusto mo maglakad lakad muna tayo bago umuwi?" tanong ni Sam sa kanya.
"Sam, baka may makarinig sayo." paalala niya kay Sam habang panay ang tingin sa paligid.
"Why is it like this Devz? Why cant we be ourselves? Were here, ang lapit natin sa isat-isa yet parang ang layo pa rin. I know we agreed sa situation pero mas mahirap pala ang ganito na hindi ko man lang mahawakan ang girlfriend ko." mahinang sabi ni Sam at ramdam ni Devon ang lungkot habang nagsasalita ang lalaki.
"Sam, ilang oras pa lang since maging tayo. Mas madami pa yan, madaming trials na darating. Don't tell me you're giving up?" Nahihirapan din ang dalaga sa sitwasyon pero its for their own good.
"NO! Kaya natin to. MAs hindi ko kakayanin if mawala ka sa buhay ko Devz."-Sam
"Alam mo tara na sa kotse mo. Lets talk there, andaming tao dito."-Devon
Binitbit ni Sam ang dalawang supot ng grocery items na binili nila kanina at sumunod kay Devon.
Nang makasakay ang dalawa sa loob ng kotse agad pinaandar iyon ni Sam. Limang minuto ng tumatakbo ang kotse ng bigla niyang naalala si James. She has to call him. Kinuha niya ang kanyang phone sa bag then dialed James number. Napalingon si Sam sa kanya at nagtatanong ang mga mata kung sino ang tatawagan ng dalaga.
"Si James, nag-aalala kasi ako kanina pa hinid sinasagot ang phone then nong tawagan ko ulit out of coverage na. Hindi naman ugali non ang magpatay ng phone." Sabi ni Devon dahil nauunawaan niya kung ano ang gustong itanong ni Sam sa kanya.
Hindi nakita ni Devon na biglang sumama ang timpla ng lalaki ng marinig ang pangalan ni James dahil direto na ang tingin ni Devon sa kalsada ng tinatawagan si James.
"James..please naman sumagot ka.." narinig ni Sam yon kahit pabulong na sinabi ni Devon.
"Why do you worry so much on him? He's old enough t take care of himself." Pilit nagpapa ka cool na tanong iya pero ramdam ni devon na nagseselos ito.
"Selos ka??" pang-aasar niya sa kasintahan.
"Dapat ba Devz?" seryosong tanong ni Sam sa kanya.
Natahimik si Devon sa tanong ni Sam. Alam niyang mahal niya si Sam ngunit hindi niya maiwasan ang sobrang mag-alala para kay James.
"Ano bang klaseng tanong yan. I and James were just friends. You know that."- hindi nagpahalata si Devon na parang she is also trying to convince herself sa mga sinabi niya.
"I trust you." sabi na lang ni Sam at tinapunan lang siya ng tingin nito.
Nagriring ang cellphone ni James pero Devon dont know if icancel na lang niya ang tawag ng biglang sinagot ito ng lalaki.
"Hello." -tipid na sagot ng kabilang linya
"James, its good sinagot mo. Ive been trying to call you kanina pa ah."-Devon
"Why Devon? Is there something important you want to tell me?" - malamig na sagot ng binata.
"Ah..kasi hindi na kita nakita after ng show. And.. gusto kita iremind na maaga calltime natin bukas."- medyo pa putol putol na sabi ni Devon.
"Its not your job to remind me those Devon. I know, and dont worry I wont be late. I'll try to be professional as much as I can. Is there anything else?" -James
"Ha, wa-wala na! Sige see you to---.." Hindi natapos ni Devon ang sasabihin dahil James ended the call already. Nasaktan siya sa ginawa ni James, hindi siya sanay na ganon ang treatment ng binata sa kanya.Parang gustong tumulo ng kanyang mga luha pero pinigilan niya ito. Ayaw niyang mapansin iyon ni Sam.
"So, where is he?" tanong ni Sam
"Hindi ko natanong eh. "-Devon
Napansin ni Devon na huminto ang sasakyan ni Sam sa gilid ng daan saka hinarap siya ng lalaki.
"Devon, I love you. I dont know what to do pag mawala ka sa buhay ko. Hinid ko kakayanin Devz." sabi nito habang mahigpit ang hawak sa mga kamay ni Devon.
"Hindi ako mawawala. Dont think like that Sam. I'LL always be here."-Devon
Hindi kuntento si Sam sa sinabi niDevon pero she wont pressure her girlfriend. Basta ang importante sa kanya ngayon ay sa kanya si DEVon. Hinalikan niya ang mga kamay ng dalaga saka bumulong.. "I wont hurt you..I promise."
No comments:
Post a Comment