Monday, April 4, 2011

Chapter 22

Masakit ang ulo ni Sam ng magising siya. Tiningnan niya ang oras, 2pm na. Nakita niya sina Robi at Arron himbing pa rin ang mga ito sa pagtulog. Alas kwatro na kasi ng madaling-araw ng matulog sila. PAre-parehong walang work ang apat ng araw na yon kaya okay lang na matulog sila buong araw. Lumabas siya ng kwarto at ng pababa siya ng hagdan nakita niya si Quen na nanunuod sa T.V. Naalala ni Sam guest nga pala si Erich sa show, hindi talaga palalampasin ni Quen yon. Alam niyang matagl ng crush ni Quen si Erich, kasamahan nila sa ASAP.

"Hey brahw, nagising ka rin sa wakas," sabi ni Quen ng makita niyang palapit si Sam sa kanya.

"Sakit nga ng ulo ko."-Sam

"Umalis sina tita and tito, hindi na sila nagpaalam sayo." sabi ni Quen sa kanya

"Saan daw sila pumunta?" -Sam

"May imemeet daw na client." -Quen

"Ah ok." -Sam

"Brahw, okay ka lang? Alam mong mas madaming problema ngayon. Remember yong sinabi ng manager mo sayo kagabi." sabi ni Quen sa kanya.

Naalala niya nong tumawag ang kanyang manager habang nasa poolside sila ng mga kaibigan.

Rinnnggg Ringgg...

"Sam, i think its your phone ringing."-Quen

Tumayo siya para kunin ang phone..ANG KANYANG MANAGER!

"Hello tita, goodevening po."

"Ewan ko kung anong maganda sa gabing ito. Sam anong meron sa inyo ni Devon?" hindi sumisigaw ang kanyang manager pero sa tono ng boses nito alam niyang galit siya.

"What do you mean po? " -Sam

"Tumawag sa akin si Mr. M Samuel. May tumawag daw sa kanya na may nakakita daw sa inyong dalawa ni Devon na magkayakap. Sam alam mo ba tong pinapasok mo?" ngayon ay sumisigaw na ang manager niya. (Co-management kasi siya with star magic.)

Hindi alam ni Sam kung anong isasagot niya sa manager.

"Sam, maghanap ka ng paraan kung paano lulusutan to. My God, alam niyo naman ang mga consequences kung sakali. Mga bata pa kayo, Devon is still beginning to shine. Humanda ka, siguradong lalabas na to bukas sa mga blind items o sa anumang entertainment sites." -manager

"But I love her tita." -Sam

"So its not a chismis? My God Sam.. Huwag na huwag kang magpapainterview for this. Hayaan na lang natin na mamatay ang issue. Lets choose to keep quiet regarding the issue." -galit na sabi ng kanyang manager saka tinapos ang tawag.

"Hoy Sam..lalim ng iniisip ah." -Quen

Hindi siya pinansin ng binata, umupo na lang ito sa tabi ni Quen para samahan itong manuod.

"Ah, brahw theres something you need to know." -Quen

"Ano?" -Sam

"Devon will be on E-live." -Quen

"What? I dont think she has something to promote." kinakabahang sabi ni Sam

"Alam kong alam mo kung bakit siya maggeguest. Kaya ako nanunuod dahil inaabangan ko ang interview niya. After this siya na ang susunod." -Quen

"How did you know about it?" Elle texted me.

Commercial na, si Devon na ang sunod na maiinterview. Kinakabahan si Sam, hindi niya alam kung bakit.

"Welcome back to E-live, nagyon po ay kasama natin ang isa sa mga main cast ng teen dance drama na goodvibes at ang PBB 4th big placer teen clash edition DEVON SERON. Welcome to E-live Devon." sabi ni Luis who is doing the interview.

"Thank you po and Good Afternoon sa inyong lahat!" nakangiti si Devon habang bumabati sa mga manunuod.

"Ayan, Devon there's this blind item circulating na sinasabing may isang baguhang young actress at isang matagal tagal na rin sa industriyang singer/actor ang nakitang magkayakap sa isang public place. And just this morning, may mga nagpangalan nga sa blind item at sinasabing ikaw at si Sam Concepcion ito. Ano ang masasabi mo sa isyu?" -Luis

"Naku kuya Luis baka kamukha ko lang po yong nakita nila."-Devon

"So you're saying na hindi kayo ni Sam yon? Pero paano yong sinasabi nilang may nakakuha ng picture niyong dalawa at kinukumpirma ng source na ito na kayo nga yon." -Luis

"Sa technology natin ngayon andami ng pwedeng gawin kuya, alam mo yan. sana po tigiulan na lang ang issue kasi wala po talagang ganon." -Devon

"According sa isang source, kayo na daw ni Sam Concepcion pero pinili nyong itago ang inyong relasyon dahil sa career. Devon, totoo ba ito? -Luis

Hindi mapakali si Sam habang pinapanuod ang interview ni Devon. Kinakabahan siya sa isasagot ng dalaga sa tanong ni Luis.

"Hindi po! Hindi po kami ni Sam, kaya sana po tigilan na lang po ang pagkalat ng chismis dahil hindi po nakakatuwa." -Devon

"Kung saka-sakali bang ligawan ka ni Sam may pag-asa ba siya?" -Luis

Tumawa muna si devon bago sinagot ang tanong ni Luis.

"Alam niyo po bata pa po ako at focus ko lang po sa ngayon is career. And ayaw ko rin naman pong magsalita kasi we dont know what will happen in the future." sabi na lang ng dalaga dahil alam niyang mapapanuod ito ni Sam at ayaw niya itong masaktan ng todo.

"One last question before we end this interview, Devon tanong ng buong pilipinas, SAM or JAMES? Kailangang isa lang."

Hindi inaasahan ni Devon na itatanong ni Luis ang bagay na yon. Hindi siya na brief tungkol don kaya kuhang-kuha sa kamera ang pagkagulat niya.

"Devon?" -Luis

"James" - Sabi ng dalaga at biglang hiyawan ang grupo ng GEMS na nasa studio.

Nagulat sina Arron at Robi habang pababa sila ng hagdan ng biglang ibato ni Sam ang isang hawak na picture frame sa television screen.

"Brahw, may problema?" mabilis na bumaba si Arron para tanungin ang kaibigan.

Hindi siya pinansin ni Sam, tumayo ito at tumakbo paakyat sa kanyang kwarto. Nagtataka sina robi at Arron kung anong nangyari ngunit hinayaan lang muna nila ang kaibigan.

"Brahw, what happened?" usisa ni Robi kay Quen

Sinabi ni Quen sa mga ito ang nagyari sa interview ni Devon sa E-live kanina lang. Nagulat ang dalawa at hindi rin nila naiwasang magalit kay Devon. Oo naiintindihan nila na Devon is doing everything para pangalagaan ang career pero hinid nila inisip na magagawa ni Devon na saktan ng ganon si Sam. KAsi pwede naman niyang hindi sagutin ang tanong na yon para walang masaktan pero ginawa niya. And he have chosen to hurt Sam's feelings.

1 comment: